in

Pagtatanggal ng mga Covid restrictions sa Italya, magsisimula sa April 1 

Inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro ang road map para sa unti-unting pagtatanggal ng mga Covid restrictions simula sa buwan ng Abril, sa pagtatapos ng state of emergency ng Italya na nakatakda sa March 31. Ang mga paghihigpit, ayon kay Punong Ministro Draghi, ay unti-unting aalisin.Tulad ng aking inanunsyo noong nakaraang taon, ang layunin ng gobyerno ay ang pagbabalik sa normal ng ating pamumuhay at ng ating lipunan”. 

Sa isang press conference bago inanunsyo ang pagtatanggal ng mga restrictions ay nagpasalamat ang premier sa lahat ng mga Italians sa ipinakitang altruism at pakikipagtulungan sa mga nakaraang taon. Aniya karaniwang napagkakamalang mababa ang civic sense ng mga Italians ngunit maipagmamalaki umano ang ipinakitang pag-uugali ng mga Italians sa panahon ng pandemya. 

Narito ang ilan sa mga post-Covid emergency program na binanggit ni Health Minister Roberto Speranza sa ginawang press conference. 

CTS at Emergency Commission

Simula sa April 1 ay wala na sa state of emergency ang Italya at dahil dito ang CTS (Comitato Tecnico-Scientifico) at ang istraktura ng Emergency Commission ay tatanggalin na. Ang mga tungkulin ng Emergency Commission ay mananatili hanggang December 31, pagkatapos ay ililipat na sa Ministry of Health

Color-coded system

Tuluyan na ang pagtatanggal sa color-coded system ng mga rehiyon ng Italya na naging batayan sa ipinatupad na mga restriksyon.

Super Green Pass para sa mga ove50s

Simula sa April 1 ay tatanggalin na ang mandatory Super Green pass sa mga place of work ng mga over50s, bagaman mananatili ang Basic Green pass hanggang April 30, 2022. Samakatwid, hindi na masususpinde sa trabaho ang mga over50s. 

Green Pass at Public transportation

Simula April 1, 2022, hindi na din mandatory ang pagkakaroon ng Super Green pass sa mga public transportation. Ngunit nananatili ang pagsusuot ng mask, partikular ng FFP2 protective mask. 

Green pass at maximum capacity 

Simula April 1, 2022, tatanggalin na din ang limitasyon sa capacity ng mga venues. Samakatwid, babalik na sa 100%. Gayunpaman, mananatiling mandatory sa pagpasok ang Basic Green pass

Green pass at Turismo

Mawawala na rin ang mandatory Super Green pass sa outdoor places ng mga restaurants, bar at mga hotels.  

Restaurant at Indoor places 

Ang Basic Green pass ay mananatili hanggang April 30, 2022 sa ilang mga lugar. Simula sa buwan ng May, ang mga restaurants at ibang indoor venues ay hindi na mangangailangan ng Green pass. 

Isolation at Quarantine 

Tinatanggal na din ang quarantine ng mga nagkaroon ng close contact sa kaso ng Covid19. Simula April, tanging ang positibo lamang sa Covid ang sasailalim sa isolation at self- monitoring o autosorveglianza naman ang mga nagkaroon ng contact sa positibo sa Covid. Wala na ring pagkakaiba sa pagitan ng bakunado at hindi bakunado, sa isolation at quarantine. 

Mandatory vaccination

Ang mandatory vaccination ay nananatili hanggang sa magtapos ang taon, December 31, 2022 para sa mga health workers at sa mga RSA. 

Hospitals at RSA

Para sa pagbisita ng mga miyembro ng pamilya at kamag-anak sa mga hospitals at RSA, hanggang December 31, 2022 ay kakailanganin ang Super Green pass. 

Mascherina

Hanggang April 30, 2022 ay mananatili ang paggamit ng mask sa lahat ng lugar kung saan ito obligatory sa kasalukuyan.  (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

kit-postale-ako-ay-pilipino

Expired ang permesso di soggiorno, nanganganib ba ang employer? 

Ako ay Pilipino

Colf, anong buwis ang dapat bayaran?