Prayoridad ng bagong tatag na task force “Lavoro Sommerso” ang pagtugis sa lavoro nero o irregular job.
Sa pamamagitan ng Ministerial Decree ng March 28, 2024 bilang 50, itinatag sa Ispettorato Nazionale del Lavoro o INL ang task force “Lavoro Sommerso” o task force laban sa irregular job o lavoro nero. Pangunahing trabaho ng task force ay ang ipagpatuloy at pag-ibayuhin ang paglaban at pagtusig sa irregular job na nilalaman ng National Plan against Irregular job 2023-2025 at ipinatutupad ng National Committee for Prevention and Fight against Irregular job.
Ito ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Ministry of Labor and Social Policies, Ministry of Interior, Ministry of Health, Ispettorato Nazionale del Lavoro; INPS; INAIL; Agenzia delle Entrate; Guardia di Finanza; Commando ng Carabinieri.
Tungkulin ng task force ang ipatupad ang mga line of actions ng National Plan at magplano ng mga karagdagang strategic actions para sa pagsusuri at sa pagtugis sa irregular job. Prayoridad din ng task force ang siguraduhing coordinated ang mga preventions at effective ang mga aksyon ng paglaban sa hindi regular na trabaho, batay sa mga katangian ng bawat sektor at ng bawat lugar, kasama na rin ang ukol sa pagtanggap ng Assegno di Inclusione. Mag-aambag din ito sa pagpaplano ng mga gagawing inspeksyon sa mga kumpanya. Tinatayang aabot sa 3,002 ang mga ‘campione’ na dadaan sa inspeksyon na may kabuuang bilang na 101,500 controls.