in

‘PAHIRAPAN ANG NOMAD’ ISANG RASISTANG PALARO SA FACEBOOK

Alemanno, itigil ang ganitong uri ng palaro. Hindi ito ang hangarin ng karamihan.

Galit na galit ang lahat ng mga kinatawan ng politika sa Roma at Lazio, matapos ang pagkakatuklas ng isang quiz sa Facebook, na sponsored diumano ng grupo ng Estrema-destra Forza Nuova Roma Sud .

‘Pahirapan ang Nomad’ ay ang pangalan ng nakakahindik na palaro sa facebook na maraming papremyo. Pinakalat ng ilang araw ng partido upang makakuha ng mga bago nilang kasapi na mabilis naming tinanggal sa social network.
Sa mga pinakahuling mga post, ay kanilang iniimbitahan na lumahok kahit sino na may sasakyan, ang mas malaki at mas mabilis ay mas malaki ang posibilidad sa mataas na puntos at mas madaling makakasagasa sa mga nomads.

Naging mabilis ang reaksyon ng lahat ng mga partido sa Roma sa pangunguna ni Mayor Alemanno na hatulan ang mga pangyayari, ‘Ang mga nai-publish sa Facebook ay hindi dapat ikatakot. Ang mga ito ay maliit na numero lamang na walang kinalaman sa mga totoong saloobin ng majority sa Roma.’

‘Dito sa Roma, ayon pa kay Mayor – ay hindi tayo tititgil sa pagkamatay ng apat na batang nasunog at sa harap ng pagbibigay ng mga kasagutan sa sambayanan, sa ganitong pagkakataon, ay hindi maiiwasan ang pagsabayin ang mga paksa tulad ng legality at integration.’

Pati na ang presidente ng probinsya, Nicola Zingaretti, ay nagbitaw na ang profile na ito ay dapat na i-block sa lalong madaling panahon: Mga pahinang nakahihiya, nakapangingilabot at mapanlait, pagkatapos ng isang sunog na naging dahilan ng pagkamatay ng apat na batang nomads. Mga pahinang maituturing na rasista at mag papababa sa isang bansa na tinaguriang ‘civil country’.

Samantala, ang Forza Nuova ay naghayag ng pagiwas sa mga pahayag ng Forza Nuova Roma Sud sa facebook profile. ‘Ang Federation ng Forza Nuova ng Roma at ng Province ay umiiwas sa mga ipinakita  kamakailan ng Facebook profile ng Forza Nuova Roma Sud na laban sa mga nomades. Kung ang mga pahayag na ito ay ginawa ng isang miyembro ng partido, ay dapat na hindi mag-atubiling gumawa ng aksyon ng pagpapatalsik’ ayon sa regional coordinator Gianguido Saletnich.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Direct Hire 2010, madaling matatapos – MARONI

Middle Name Issue: Nilinaw ng Circular n. 4 ng Ministry of Interior