Sekwestrado sa Genoa ang mga fake na produkto mula sa labas ng bansa.
Kabilang na dito ang 7.560 pakete na spaghetti sauce na may pekeng parmesan cheese na hindi mula sa Parma bagkus ay mula sa labas ng Maynila sa Pilipinas.
Sekwestrado din ang mga bote ng Schweppes mula Egypt at Bravo fruit juice mula North Africa.
Sinekwestro ang mga fake na produkto noong nakaraang linggo sa ginawang raid ng mga militar, Guardia di Finanza at Customs sa pinaghihinalaang container na dumating sa Genoa.
Ito ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang sekwestro dahil sa panganib na maaaring idulot nito sa mga consumers tulad ng epilepsy at arrhythmia (Schweppes), irritation at dermatitis (Bravo).
“Bukod sa hindi original Parmesan cheese ang nasa loob ng pakete, ito ay hindi rin sumunod sa sanitary at hygienic regulation”, ayon sa ulat ng eksperto ng Parmigiano Reggiano Consortium na pumoprotekta sa tatak at kalidad ng kanilang produkto at handang tumayo bilang ‘parte civile’ sa paglilitis.
source:
La Stampa, Repubblica