in

Panatilihin ang points sa driver’s license matapos ang isang multa, narito kung paano

Kapag nakatanggap ng abiso ng isang multa, may posibilidad na magbayad ng ikalawang multa upang hindi mabawasan ang points.  

 

Roma – Maraming paglabag ng Highway Code na bukod sa multa ay nababawasan rin ang points ng driver’s license.  Ito ay matagal na ring piniiral ng batas, ngunit hindi lahat ay nakakaalam na ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng isang alternatibong solusyon.

Tulad ng ipinaliwanag sa website laleggepertutti.it, sa pagtanggap ng abiso ng multa, ang demerits o kabawasan sa points ng lisensya ay maiiwasan sa pamamagitan sa pagbabayad ng optional sanction kung hindi makikilala ang nagmamaneho ng sasakyan. 

Kahit ang Constitutional Court ay sinabing ito ay lehitimo at balido. Ang may-ari ng sasakyan ay may obligasyong ipagbigay-alam sa loob ng 60 araw mula matanggap ang abiso, ang pangalan at datos ng lisensya ng nagmamaneho sa araw at oras ng paglabag upang hindi mabawasan ang puntos sa kanyang lisensya. 

Ngunit kung ang may-ari ay ang driver din ng sasakyan, ang demerits ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabayad ng ikalawang multa na nagkakahalaga ng 286 euros, mataas dahil sa kawalan ng komunikasyon. 

Ito ay mabigat sa bulsa ngunit ang sinumang kaunti na lamang ang points ay maaaring walang panahon magpunta sa autoscuola at umattend ng remedial course.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Labor and employment status ng mga Pinoy sa Italya

Travel ban ni Trump, mananatiling suspendido