Desidido ang bagong gobyerno na baguhin ang Decreto Sicurezza ni Salvini bilang pangako kay Matarella.
Ito ang inanunsyo kahapon ni Conte sa araw ng vote of confidence sa Camera kung saan umani ng botong 343 SI at 263 naman ang NO.
Matatandaang inaprubahan sa nakaraang gobyerno ang Decreto Sicurezza at Sicurezza bis na pinamunuan rin mismo ni Giuseppe Conte.
Sinabi ni Conte kahapon na susuriing muli ang batas sa seguridad batay sa obserbasyong mula sa Pangulo ng Republika, Sergio Matarella.
“Ito ay nangangahulugan na mula sa unang teksto bago ito susugan sa pagsasabatas, ay naapektuhan ang kabuuang nilalaman nito”.
Samakatwid, layunin ni Conte na baguhin ang decreto upang tugunan ang dalawang pangunahing pagtutol ni Mattarella isang taon na ang nakakaraan ng isinulat nito ang panganib ng diskriminasyon sa mga imigrante:
“Ipinapaalala ko aking obligasyong bigyang-diin ang konstitusyonal at pandaigdigang obligasyon ng bansa, tulad ng nasasaad sa artikulo 10 ng Konstitusyon “.
Ang ikalawang bagay na ikinabahala ni Matarella ay ang obligasyong igalang ang mga internasyonal na kasunduan, tulad ng Montego Bay Convention na tumutukoy sa obligasyon ng mga kumander ng barko na tulungan ang mga nangangailangan sa karagatan. Ang decreto ay salungat sa kasunduang ito, dahil sa pagpapataw ng multa, pagsasara ng mga frontier at pagbabawal sa pagsaklolo sa karagatan.
PGA