in

Pangongontrol ng awtoridad, paiigtingin ngayong Easter holidays

Pangongontrol ng awtoridad, paiigtingin ngayong Easter holidays

Sa nalalapit na Easter holidays, hangarin ng awtoridad sa Italya na masigurado ang pagsunod ng mga mamamayan sa mga ipinatutupad na batas anti-covid19, partikular sa mga hindi pinahihintulutang dahilan ng paglabas ng bahay na nasasaad sa dekreto ng buwan ng Abril. 

Sa katunayan, ay paiigtingin ang pagbabantay at pangongontrol ng awtoridad sa mga lugar na higit na exposed sa mass gathering o assembramenti tulad ng mga parke, tabing dagat, sa mga kalsada at mga highway o autostrade, mga istasyon, daungan at paliparan. 

Ito ang tinalakay sa ginawang pagtitipon ng National Committee for order and security na pinamunuan ni Interior Minister Luciana Lamorghese. 

Sa panahon ng pagpupulong, ay sinuri ang public order and security dahil sa tumatagal nang emerhensya. At sa nalalapit na Easter holidays, ay napagkasunduan ang pagpapa-igting sa prebensyon at mga kontrol sa buong bansa. 

Sa pagpupulong, ayon kay Minister, mula nang magsimula ang emerhensiyang hatid ng coronavirus, (March 11, 2020 hanggang March 28, 2021), batay sa mga serbisyong araw-araw na ginampanan bilang pagpapatupad sa mga batas na ipinagtibay ng Gobyerno upang maiwasan ang pagkalat at higit na pagkakahawahan ng virus, ay umabot sa 38,894,431 katao ang nakontrol ng awtoridad, Samantala, umabot naman sa bilang na 9,795,830 ang mga commercial activities. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang Semana Santa sa panahon ng pandemya sa Italya

Mga Dapat Malaman Tungkol sa ARTRITIS o RAYUMA