Isusulong ni Transport Minister Matteo Salvini sa Konseho ng mga Ministro sa lalong madaling panahon ang isang bagong panukalang batas sa trapiko o Codice della Strada, ayon sa ulat ng Ansa.
Binubuo ng 18 artikulo ang disegno decreto legge (ddl) para sa highway code bill na itinuturing na ‘zero tolerance’.
Narito ang ilang puntos na nilalaman ng panukalang batas na magbibigay ng higit na seguridad para sa kalsada sa Italya.
Tatanggalan ng driver’s license ang mga mahuhuling nasa ilalim ng epekto ng ipinagbabawal na gamot habang nagmamaneho. Kasama na din dito ang lahat ng mga maling pag-uugali na nagiging sanhi ng mataas na bilang ng mga aksidente sa kalsada. Bawal ang pag-inom ng alcohol bago magmaneho at compulsory alcohol lock para sa mga nahuli na dahil sa alcohol.
Suspendido naman ang driver’s license ng mga mahuhuling gumagamit ng cellphone habang magnananeho at ang mga ‘contromano’ o nasa maling direksyon.
Kabilang din dito ang pagkakaroon ng plate number, insurance at gagawing mandatory rin ang pagsusuot ng helmet para sa mga electric scooter, mas kilala bilang monopattini.
Inaasahan din ang mga bagong regulasyon para sa mga ztl o zona traffico limitato at autoveox.
Bagong regulasyon para sa bagong mga drivers. Hindi pahihintulutan ang mga neopatentati na magmaneho ng mga malalaki at mabibilis na sasakyan unang tatlong taon. Ito ay matapos ang naging aksidente kamakailan sanhi ng TheBorderline sa Roma.
Sakaling mamultahan dahil sa hindi pagsunod sa speed limit ay mababawasan ang mga points sa driver’s license at tuluyang isusupinde naman ito kung mas mababa na sa 20 ang puntos nito.