in

Paracetamol sa halip na Panettone, regalo ng Santo Padre sa mga empleyado ng Vatican

Ang panettone o ang tanyag na christmas bread at spumante o ang sparkling wine, na pangkaraniwang inireregalo tuwing Pasko sa Italya ay pansamantalang mamamahinga sa Vaticano.

Dahil para sa taong ito napili ng Santo Padre na magbigay sa humigit kumulang na 4,000 mga empleyado ng Vatican ng regalong higit na mapapakinabangan sa panahon ng pandemya. Isang orihinal na regalo: limang kahon ng anti-flu medicine (paracetamol). 

Ayon sa ulat ng Il Messaggero, ang mungkahi umano ay nagmula sa isang cardinal, Konrad Kraiewski. Sa katunayan, nagsimula na umanong dumating ang mga packs ng gamot na Vicks Flu giorno e notte” na ipapamahagi sa mga tanggapan, kung saan nasusulat ‘Dono del Santo Padre per i dipendenti vaticani’.

Ayon pa sa ulat, ay tinanggap umano ng mga empleyado ng Vatican, ang hatid na mensahe sa likod ng regalong ito ngayong taon: ang manatiling malusog ang kanilang pangangatawan at malayo sa karamdaman, bukod pa sa krisis na pinansyal na sanhi ng pandemya. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako ay Pilipino

3 Rehiyon sa zona arancione at 5 Rehiyon sa zona gialla

“Mga migrante, babakunahan din laban Covid19 katulad ng mga Italians” Commissioner Arcuri