Ngayong ay ang ikatlong taon ng Semana Santa na nasa pandemya. Bagaman nagkaroon ng mga pagluluwag sa pagtatapos ng State of Emergency sa bansa, ay mayroon pa ring ilang regulasyon na nanatiling dapat sundin.
Regulasyon sa mga religious activities
Para sa mga religious activities, simula April 1 ang obligadong physical distancing sa misa ay tinanggal na. Habang nananatiling mandatory ang pagsusuot ng mask, kahit surgical mask. Kailangan pa rin ang paggamit ng sanitizer bago pumasok sa loob ng simbahan at anumang religious places, at palitan ang sign of peace na shake hands nang simpleng pagtango. Ang mga pari ay kailangang magsuot ng mask at gumamit ng sanitizers bago magbigay ng holy eucharist.
Green pass at protective mask, narito ang mga ipinatutupad na Covid restrictions
Ang sinumang magbibiyahe ay mandatory pa din ang Green pass sa pagsakay sa airplanes, ships at trains sa pagpasok sa mga disco at kumain sa mga indoor restaurants. Sa mga kasong nabanggit, sapat na ang Basic Green pass, na matatanggap sa pamamagitan ng Covid test at recovery sa Covid.
Nananatiling mandatory ang Super Green pass sa disco, concerts, cinema at theaters.
Samantala, walang anumang sertipiko ang kailangan sa pagsakay ng mga public transportation tulad ng bus, tram ay metro. Hindi rin kailangan ng Green pass sa mga outdoor restaurants, shops, malls, museums, amusements parks at hotels. Kung guest ng hotel, hindi na rin kailangan ang Green pass sa loob ng restaurant nito. Pero sa gym, swimming pool, Spa sa loob ng hotels ay kailangan pa rin ang Super Green pass.
Samantala, nananatiling mandatory ang pagsusuot ng FFP2 mask hanggang April 30, 2022 sa pagsakay ng lahat ng uri ng transportasyon: airplane, train, public transportation, NCC. Kailangan din ang pagsusuot ng mask sa lahat ng indoor places. Mandatory ang mask sa lahat ng indoor at outdoor ng mga shows, concerts, cinema at sports activities. (PGA)