in

Pass para sa pagpunta sa ibang Rehiyon, ano ito?

Pass para sa pagpunta sa ibang Rehiyon, ano ito?

Sa muling pagbubukas ng Italya simula sa April 26 ay kasamang nagbabalik ang zona gialla na nagpapahintulot sa malayang pagpunta sa ibang rehiyon na nasa ilalim din ng zona gialla. Samantala sa zona arancione at zona rossa ay nananatiling may pahintulot lamang ay ang dahilan ng kalusugan, trabaho at pangangailangan. Kaugnay nito, upang makapunta sa ibang rehiyon ng Italya para sa iba’t ibang dahilan, ay inaasahan – sa loob ng isang buwan – ang paglabas ng ‘pass’. Ito ay batay sa inanunsyo kamakailan ni  Presidente ng Konseho ng mga Ministro Mario Draghi sa isang press conference.

Ang pass ay isang sertipiko na maaaring i-download sa cellular phones. Dito ay nasasaad na ang mamamayan ay hindi makakahawa at maaaring makapagbiyahe nang ligtas. Ito ay isang patunay ng: 

  • Pagkakaroon ng bakuna laban Covid19 o
  • Pagsasailalim sa tampone molecolare sa huling 24 oras at negatibo ang resulta nito o
  • Pagkakaroon ng anti-bodies dahil gumaling na sa sakit na Covid19.

Sa pamamagitan ng pass na ito ay pahihintulutan hindi lamang ang pagpunta sa ibang Rehiyon ng Italya bagkus ang pagpunta sa ibang bansa sa Europa.

Sa katunayan, ito ay isang dokumento na ninais ng Europa na layuning magkaroon ng isang dokumento na makakatulong sa mabilis at ligtas na pagbibiyahe at isang mahalagang instrumento sa pagbangon ng Europa mula sa krisis. 

Gayunpaman, lahat ng detalye ukol sa pass ay aabangan sa bagong decreto ng Consiglio dei Ministri ngayong linggo. (PGA)

Basahin din: 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

FilCom sa Venice, nagdiwang ng ika-500 taong anibersaryo ng Kristyanismo

Gaano ka kalakas uminom ng kape?