Mga bagong alituntunin mula April 1 para sa ‘patentino’ o lisensya
Magmula April 1 ay kakailanganin din ang isang praktikal na pagsusulit upang makakuha ng “lisensya” o “patentino”, isang dokumentong kailangan para sa mga menor de edad at para sa mga matatanda na gustong gumamit ng scooter at minicar.
Sa ngayon sapat ng sagutin ang isang serye ng mga quizzes. Ang mga nakakapasa lamang ng pagsusulit ang nakakakuha ng “foglio rosa” o learner’s permit, isang dokumentong balido para sa anim na buwan na pahintulot upang magsanay sa mga lugar na may maliit na trapiko. Bago matapos ang validity ng naturang dokumento, ay dapat ding ipasà ang pagsusulit na praktikal sa pagmamaneho, na nahahati sa dalawang phases.
Ang unang bahagi ay ginagawa sa isang lugar na sarado sa trapiko. Sa mga nagmamaneho naman ng scooter ay bibigyan ng slalom test, isang pagdadaanan na may hugis ng numero 8, isang makipot na daanan at ang pag preno. Sa minicar naman ay dapat matutunan ang pag-sasaayos ng upuan, ng mga salamin sa gilid, ang pagliko, ang pag-atras, pag-preno at pag-garahe. Ang ikalawang bahagi ng pagsusulit, para sa scooter at minicar, ay isang drive test sa trapiko.
Ang balitang ito ay hindi para sa mga nag labing walong taong gulang hanggang 30 Set 2005, na maaaring makakuha ng lisensya ng walang exams, ngunit kumuha ng isang kurso sa isang driving school.