“Kami ang masusunod sa aming bansa” – pahayag ni Zaia.
Domegge (Belluno), Aug. 30, 2010 – “Ang mga hindi nagtatrabaho, hindi gumagalang sa batas, hindi nakikiisa, sipain na pauwi sa kanilang sariling bansa”.
Ito ang deklarasyon ni Luca Zaia, presidente ng Veneto, na ang nais ay depensahan ang bagong politikang pangrehiyon na ang layunin ay bigyan ng pribilehiyo ang mga mamamayan ng Veneto.
“Ang gusto namin kami ang amo sa aming bayan – pagpapaliwanang ng makakanang politiko nang siya ay magsalita sa isang piyesta ng partido sa Domegge (Belluno) – at dahil dito, kailangan naming pangalagaan ang aming identity. Nawalan kami ng 75,000 pwesto sa trabaho at kung may dapat tulungan, ang aming mamamayan ang dapat makinabang bago ang iba”.
Tungkol sa nakarang usapin tungkol sa mga rom na ipinadeport ng gobyernong Pransya at ang negatibong komento mula kay Zaia na nagsabi ng: “Tayo, mga iginagalang na may posisyon sa Simbahan, ang aming posisyon ay ang catholic tradition, ang isa sa limang kabataan ay gustong maging boluntaryo, ngunit ito’y hindi makamamamayang integrasyon na kung saan ay may nakalaang tirahan sa isang sulok ng bayan. Kung walang pwesto, nararapat lamang na umuwi na sila sa kanilang bansa”.