in

PD, isinali ang mga New Italians sa political list ng susunod na eleksyon

Ang PD, partido ni Bersani, ay nais ipasok ang mga imigrante at ikalawang henerasyon sa Parliament. Sina Khalid Chaouki at Cécile Kyenge Kashetu ay inilagay sa siguradong posisyon, samantala mababa ang posibilidad para kay Nona Evghenie at Fernando Biague. Tanggal naman si Alina Harja at Ismail "Issi" Ademi.

Rome – Enero 9, 2013 – Kabilang din ang mga itinuturing na New Italians sa listahan ng Democratic Party na tatakbo sa susunod na halalan.

Si Bersani at ang kanyang mga kapanalig ay pinanindigan ang ipinangako ilang linggo na ang nakakaraan sa National Directive at inaprubahan ang agenda. Kaugnay dito, ay sinabing “naging matured para sa kabutihan ng bansa, para sa hinaharap na paglago at pag-unlad at upang makamit ang isang tunay at malalim na pag-babago ng kategorya ng mga mamumuno sa pagkakaroon ng mga representative ng mga imigrante na hinalal sa Parliament.”

Ang pinakakilala sa lahat, sa katunayan, ay ang isang partikular na imigrante. Ang Olympic canoe multi champion na si Josefa Idem, ipinanganak at lumaki sa Germany, ngunit Italyana sa higit na dalawampung taon na, sya ang head list sa Senate sa Emilia Romagna. Mayroong political background at ang pinaka maraming botong natanggap sa primary ng partido sa Ravenna.

Ibang kuwento naman ang 33 taong gulang na si Khalid Chaouki, journalist, at ang namumuno sa grupong New Italians ng PD. Dumating sa Italya mula sa Morocco sa edad na 9 na taong gulang, at nakatutok sa usapin ng  imigrasyon at ikalawang henerasyon. Nasa listahan ng Campania 2, nasa ika- 14 na posisyon at garantisado sa darating na halalan.

Higit na maganda ang posisyon  ni Cécile Kyenge Kashetu, naninirahan sa Italya sa halos tatlumpung taon na.Ophthalmologist, at provincial councilor ng Pd sa Modena at chairman ng Rete Primo Marzo, na nagpasimula sa ‘welga ng mga imigrante’ (sciopero degli immigrati). Kandidata sa Kamara sa Emilia Romagna at ika-7 sa listahan.

Hindi masisigurado ang posisyon para kay Nona Evghenie, mayroong Romanian origin, municipal councilor sa Padua. Tumakbo at tumanggap ng 900 boto at sa listahan ng Veneto ay ang ika- 25 sa listahan. Mababa ang naghihintay na pagkakataon para kay Fernando Biague, psychologist na mula sa Guinea Bissau, na sa primary sa Bolzano ay ang ikalawang pinakamaraming boto, ngunit nasa ika-8  sa listahan sa Trentino Alto Adige na mahirap makarating sa Parliament.

Hindi magandang balita naman ang para kina Alina Harja at Ismail "Issi" Ademi. Sa mga nakalipas na araw, maraming mga asosasyon ng Romanian at Albanian ang kumilos upang suportahan ang kanilang mga kandidato, ngunit sa katapusan ang Democratic Party ay nagpasya na ang iba ang kumakatawan na mga New Italians sa Parliament.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Puchero recipe

Pilipino na kumuha ng divorce sa labas ng Pilipinas, may epekto ba?