in

Pekeng Green Pass ibinebenta online. App Verifica C19, inilunsad ng Palazzo Chigi

Matapos ang paglabas ng pinakahuling dekreto kung saan nasasaad ang pagiging mandatory ng Green Pass sa Italya simula August 6 sa mga lugar na madalas ang ‘assembramento’, ay nadoble ang bilang ng mga nagpa-book para magpabuna sa buong bansa. 

Kaugnay nito, nadoble din ang mga modus operandi online na nitong mga huling oras ay naging lantaran ang mga anunsyo sa pagbebenta ng pekeng green pass mula € 100,00 hanggang € 200,00, nang hindi mangangailangan ng anumang bakuna, Covid19 test o medical certificate ng paggaling sa Covid. 

Verifica C19, inilunsad ng Palazzo Chigi

Kaugnay nito, naging mabilis naman ang aksyon ng Palazzo Chigi sa pamamagitan ng paglulunsad ng bagong app Verifica C19 na susuri sa pagiging tunay ng mga Green pass. 

Ang mga owner at mga staff ng mga restaurants, gyms, museums, theaters at iba pa, bukod sa mga public officials, ay maaaring masuri ang pagiging tunay ng QR code, gamit ang app na maida-download sa kanilang mga smart phones. Sa pamamagitan ng app ay masusuri kung tunay o peke ang green pass kahit naka-offline nang hindi mase-save ang mga personal datas sa smart phone ng nagko-kontrol

Ang app ang babasa sa QR Code, kukunin ang mga impormasyon at susuriin ang electronic seal na magpapatunay kung balido ang green pass. Pagkatapos ay ipapakita ng app VerificaC19 ang pangalan, apelyido at araw ng kapanganakan ng owner ng green pass. Sapat ng hingin ang dokumento upang masuri kung ito ay katugma ng personal datas sa QR code. 

Ayon sa Palazzo Chigi may nakalaang parusa sa palsipikasyon ng Green pass na nasasaad sa decreto legge Covid, para sa printed at digital green pass

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 1.7]

Canone Rai, tatanggalin na sa bill ng kuryente

Ikatlong Kongreso ng OFW Watch Italy, matagumpay na naidaos sa Torino