Nahuli ang isang organisasyong nagbebenta ng mga application sa regularization na umabot sa halagang apat na milyon.
Patuloy ang paglabas ng mga katiwalian sa regularization, mga kontratang binenta sa napakalaking halaga sa mga estrangherong naghahangad ng permit to stay.
Tinutukan ng grupong ‘Terra Promessa’ ang ‘ modus operandi’ na pinangungunahan ng responsible ng isang sentrong tumutulong sa kalkulasyon ng mga buwis (CAF). Kasamang dinampot ang isang doktor, ang may ari ng agency, ang nag aayos ng mga papeles at isang consultant.
Sa ngayon ay naglahad ng dalampu’t dalawang kaso ang mga awtoridad (13 ang nakakulong, 5 under house arrest , 4 ang dapat mag report sa Caserma). Tatlo pa ang under investigation at 10 naman ang may search warrant.
Ayon sa ulat, ibinenta ang mg aplikasyon lalo na sa mga egyptian at mga chinese, na nagkakahalaga mula 5 hanggang 7 libong euro. Umabot sa isang libong aplikasyon at tinatayang 200 na ang mga aprubadong walang katotohanang ‘kontrata’. Sinasabing aabot ng halos apat na milyong euro ang sumatotal ng lahat.
Ang kaso para sa lahat ay ang pakikipagsabwatan (criminal conspiracy) sa pagpapapasok ng mga clandestines, ang paggawa ng mga pekeng dokumentasyon, ang panloloko sa Gobyerno at ang palsipikasyon ng mga dokumentong kailangan sa pag re regolar ng mga dayuhang care giver at mga kasambahay.
in Italya
PEKENG REGULARIZATION, patuloy ang panghuhuli sa Roma
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]