Mapait ang mga pagbabago sa reversionary pension sa mga naging balo ng mga matatandang Italyano/a kung tumagal lamang ng mas mababa sa sampung taon ang pagsasama. Makakatanggap lamang ng pensyon ang sinumang nagkaroon ng anak.
Rome – Ang mga alinlangan at akusasyon ng sinpobya ay hindi naging sapat upang itigil ang mga panukala laban sa mga bride-caregivers. Ang pagpapatupad ng mga ‘aksyong pinansiyal’ ay mapait na nagbago sa reversionary pension kapag mayroong isang malaking pagitan ng edad ang mag-asawa at ang kasal ay hindi tumagal sa sampung taon.
Ang batas ay inangkop sa tumataas na bilang ng kasal sa pagitan ng matatandang Italians at mga kabataang dalaga o binatang migrante, na kadalasan ay kanilang mga tagapag-alaga: sa ngayon ayon sa Associazione Matrimonialisti Italiani, ay tinatayang may 3000 kasal kada taon. Isang katotohanan, na sa kabila ng anumang dahilan ng paghantong sa altar (tunay na pag-ibig, Interes, Pagkilala ng utang na loob sa mga taong tumulong) ay nagiging mabigat na pasanin sa social security system ng bansa na mapipilitang magbigay ng pensyon sa balo para sa mahabang panahon.
Lahat ng mga pagbabago sa bagong patakaran ay pinag-aralang mabuti ng Ministro ng Ekonomiya na si Giulio Tremonti. Mula ngayon, sa mga matatandang mag-aasawa na hindi bababa sa edad na setenta at ang kanyang babaing (o lalaking) mapapangasawa ay mas bata ng higit sa dalawampung taon, ang pensiyon ay maaaring mabawasan ng 10 porsiyento dahil sa nawalang taon ng pagsasama o mas mababa ang pagsasama bilang mag-asawa sa 10 taon “.
Halimbawa si Daniel, malakas pa ang katawan sa gulang na 74, na napangasawa si Keti na 50 taong gulang. Pagkatapos ng tatlong taon ng kasal ay sumakabilang buhay na si Daniel. Sa lumang batas si Keti ay may karapatan sa isang pensiyon ng 1000 € bawat buwan, ngunti sa bagong batas ay makakatanggap lamang ng 300 €. Mas mababa ng 70%, dahil kulang ng 7 taon upang ipagdiwang ang ika-sampung taong anibersaryo ng kasal.
Ang mga bagong probisyon ay ipapatupad mula Enero 1, 2012. Ngunit ito ay hindi maaaring ipatupad kung mayroong mga menor de edad na anak, mag-aaral at special child.