in

Permessi di soggiorno, renewal nabibinbin!

Computer ng mga tanggapan sa Comuni at patronati patuloy na nagha-hang. “Sobrang grabe ang sitwasyong ito”.

Roma – Mahaba pa rin ang pila at problema ng mga sportelli ng comuni at patronati na tumutulong ng libre sa mga dayuhan upang kumpilahan ang application form sa renewal ng permit to stay. 

Hindi na bago ang problemang ito sapagkat kahit noon pa man ang pagbagsak ng electronic system ay pinoproblema na at nalulutas ito ng mga tekniko sa loob ng dalawang araw. Nitong huling buwan, lalo’t higit noong summer, ang technical problems ng mga computer ay hindi na masolusyunan.  

 “Uumpisahan ng mga operators namin ang magkumpila ng aplikasyon, tapos biglang magha-hang ang sistema at kailangang mag-umpisa ulit. Hindi ganito kalala ang problema noong umpisahan namin ang magkumpila ng application for renewal” – pagkumpirma ni Andrea Maurenzi ng Ancitel, ang kompanya na siyang technical coordinator ng mga sportelli sa comuni at dalawang linggo na itong nagso-solicit sa Post Office. 

Ang Ancitel ang naghanda ng dossier para magbigay alam sa Ministry of Interior tungkol sa depekto at danyos para sa mga kliyente. Sa mga sportelli, maliban sa error message at iba pang problema, humahaba ang panahon at nabibinbin ang mga appointment. 

Ayon naman kay Morena Piccinini, ang presidente ng patronato Inca Cgil, ang kawawa dito ay ang mga dayuhang manggagawa sapagkat maghihintay sila ng matagal para mabigyan ng bagong permesso di soggiorno. Nang dahil sa hindi maayos na sistema, may posibilidad na ang application for renewal ay lumampas sa validity ng permesso.

Ang mga operator ba ay puwedeng magkumpila manually? “Marami na ang gumagawa nito, mas mahabang panahon ang kailangan dito at mahabang biyahe”, paglilinaw ni Maurenzi. Sa mga sportelli ay walang pormularyo, kaya’t ang mga dayuhan ay kailangang kumuha nito sa post office tapos dapat silang pumunta sa mga comuni o sa patronato para magpatulong sa pagkumpila, at pagkatapos ay bumalik sa post office upang ito ay ipadala. (Liza Bueno Magsino)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA LAGNAT NG DENGUE

Sigaw ng mga Pinoy , iurong pagtanggal ng middle name