in

Permesso a punti: Ang kasunduan sa integrasyon

Ang sinumang darating sa Italya ay kailangang lumagda, may verification matapos ang dalawang paninirahan sa bansa. Sa panahong maubos ang puntos at umabot sa zero, pauuwiin sa sariling bansa

Roma – Noong ika-20 ng Mayo, ibinaba na ng gobyerno ang unang deliberasyon sa kasunduan sa integrasyon, na magpapagulo sa buhay ng mga dayuhan, mapipilitang sundin ang mahigpit na batas ng Italya. Ang final version ay hinihintay na lamang, samantala malinaw ang ideya at paano ito ipapatupad na nahayag sa draft.  

Ang kasunduan ay pipirmahan o lalagdaan ng dayuhan mula edad na labing-anim (16) hanggang animnapu at lima (65) sa Sportello Unico per L’Immigrazione o sa Questura, hindi pipirma ang dati nang naninirahan sa bansa. Ang kasunduang ito ay para lamang sa mga papasok at bagong dating sa bansa matapos bigyang bisa at ipatupad ang alituntunin at mag-aplay ang dayuhan ng permesso di soggiorno na may bisa atleast isang taon. 

Sa paglagda sa kasunduan, mangangako sila na mag-aaral ng wikang italyano sa loob ng dalawang taon  (level A2) elementary level, at ang “sapat” na kaalaman sa “pangunahing prinsipyo ng Saligang Batas”, kaalaman sa “institusyong pampubliko” at “wastong pamumuhay sa Italya”, partikular ang tungkol sa kalusugan, paaralan, social services, trabaho at fiscal obligation. Mangangakong ipapasok ang mga anak “scuola dell’obbligo” (obligatory schooling) at magpapahayag ng kusang pagsali sa “Charter of values of citizenship and integration” ng Ministry of Interior.  

Sa loob ng isang buwan mula sa araw ng paglagda dapat sumunod sa isang maigsing libreng kurso na “edukasyong sibika at impormasyon sa wastong pamumuhay” na aabot lamang sa lima hanggang sampung oras, ngunit sa draft, hindi pinag-usapan ang kurso sa wikang italiano. Habang kumukuha ng obligatory corse, ang dayuhan ay tuturuan ng mga “inisyatiba at kung paano isasagawa ang proseso ng integrasyon” na mayroon sa provincia. 

Ang integrasyon ay masusukat sa pamamagitan ng mga puntos (o credits) na may kinalaman sa kaalamang pangwika, pagpasok sa isang kurso at pinag-aralan ng bawat isang dayuhan, gayundin ang pag-uugali, pagpili ng doktor, pagpaparehistro ng kontrata ng inuupahang bahay at pagnenegosyo o pagbo-boluntaryo. Ang mga puntos ay maaaring mawala kung nahatulan sa korte kahit ito ay hindi pa malinaw, mga panuntunan sa pansariling kaligtasan at administrative and tax offenses.

Mag-uumpisa sa 16 points, ibibigay sa lahat, at pagkatapos ay may addition at subtraction. Ilan sa mga halimbawa ng puntos: Ang basic knowledge sa wikang italyano ay katumbas ng 24 points, ang kursong propesyunal, 120 oras na pag-aaral ay may katumbas na 5 points, pagnenegosyo ay 4 points, gayundin ang mga volunteers. May parusa na: tatanggalin ang 10 points sa sinumang gumawa ng krimen at mahatulan, kahit ito ay hindi pa malinaw, hanggang 3 buwang pagkakulong, o less 2 points para sa sinumang magremedyo ng multa sa halagang sampung libong euro.

Makalipas ang dalwang taon mula sa paglagda, pag-aaralan ng Sportello Unico per L’Immigrazione ang mga dokumentasyong isinumite ng dayuhan (course attendance certificate, diploma etc.) o, kung wala nito, kumuha ng eksamin. Alinman sa dalawa, matapos ang verification, bibigyan ka ng puntos mula 30 points pataas, sa ganitong paraan ang kasunduan ay maituturing na naisakatupran, mula isa hanggang dalawampu at siyam, maibabalik ang puntos hanggang 30 sa loob ng isang taon. Ngunit kung ang puntos ay zero o negatibo pa, maparurusahan ka ng expulsion.        

Ang Ministry of Interior ay siyang mangangalaga sa registry ng mga signatories sa kasunduan sa integrasyon, kung saan ay nakatala ang lahat ng puntos, na maaaring magbago at unti-unting mabawasan. Ito ay ipaaalam mismo sa kinauukulan. Maaari silang magtanong sa registry upang malaman ang kanilang posisyon.

Kailan nga ba mag-uumpisa ang revolution na ito? May panahon pa. Kailangan lamang maghintay sa opinyon ng Conferenza Unificata e Consiglio di Stato, ang definite approval mula sa gobyerno at pagpapahayag sa Official Gazzette. Matapos na ito ay ilathala, maghihintay pa ng apat na buwan bago ipatupad ang kasunduan sa integrasyon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Soft Opening…Dinagsa Iremit sa Roma

Regularization: sa Roma may 13,000 may permesso di soggiorno na!