Ang software diumano ng Comuni at Patronati ay hindi nagpa-function.
Roma – July 15, 2010 – Kung kayo ay magri-renew ng permit to stay (permesso di soggiorno), at hindi pa naman ito expired, huwag na kayong magmadaling pumunta sa inyong Comuni at patronati na kasama ng Post Office sapagkat ang kanilang software ay hindi nagpa-function ng maayos.
“Aming ipinababatid sa mga tauhan ng municipal offices na nagsasagawa ng electronic application sa paghiling o magrenew ng permit to stay na sa araw na ito, ika-15 ng Hulyo 2010, ang software EL12 ay may problema sa sistema. Responsabilidad namin ang ipaalam sa inyo ang problemang ito”, ayon sa pahayag ng Ancitel na siyang nakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng mga munisipyo. Ang komunkasyong ito ay kumalat kahapon.
Kinumpirma kahapon ni Daniela Morlacchi ng patronato Inca Cgil na dalawang araw nang hindi gumagana ng maayos ang kanilang software at ito’y napakabagal na kung saan napipilitan ang kanilang mga tauhan na ulitin ang aplikasyon.
Ang problemang ito ay matagal ng nangyayari. Ngayong araw na ito, nagbabala na rin ang Lombardia, kahapon naman ang Alto Adige at ang Marche. Ilan pa sa mga tauhan ay napipilitang ikumpila ang application form manually na maaaring dahilan ng maling pagfill-up ng form, dagdag pa ni Morlacchi.
Ipinaalam na rin ito sa mga Post Office at ginagawan na ito ng solusyon. Matatandaan na noon una pa man, ang problemang ito ay natugunan agad sa loob lamang ng dalawang araw.