Pinalitan ang “Linee Giuda per l’accoglienza e l’integrazione”. Hindi na hihingin pa ng secretariat ang dokumento sa enrollment. “Ang pagiging hindi regular ay hindi makaka-apekto sa pagsasakatuparan ng karapatan sa edukasyon "
Roma, Hunyo 5, 2014 – Sa pagpapatala o enrollment sa mga paaralan ay hindi na kakailanganin ang permit to stay. Ito ay ayon sa batas, at pati na rin sa Minsitry of Education.
Kamakilan, mula Viale Trastevere ay isang pagbabago sa Linee guida per l’accoglienza ed integrazione ng mga dayuhang mag-aaral na inilathala noong nakaraang Pebrero, kung saan nasasaad ang hindi makatwirang paglalayo sa karapatan sa edukasyon ng mga anak ng mga undocumented immigrants.
Sa paglalarawan sa pamamaraan para sa enrollment, sa Linee Guida ay nasasaad sa katunayan na ang secretariat ay kailangang hingin sa mga pamilya ang “permit to stay at ang anagrafical document”.
Ang Testo Unico o Batas sa Imigrasyon, gayunpaman, ay nagsasaad na sa enrollment sa obligatory school ay hindi nangangailangan ng permit to stay, isang panuntunan upang proteksyunan ang karapatan sa edukasyon. Ito ay higit na nangingibabaw sa pangangailangang labanan ang ilegal na migrasyon .
Sa Gabay samakatwid ay nasasaad ang hindi makatwirang kahilingan sa nasabing dokumento. Ayon sa asosasyon ng Studi Giuridici sull’Immigrazione, na nag-reklamo sa nasabing kaso, ay sinabing isang diskriminasyon, hindi makatwiran at makakapinsala, at hiningi sa Ministry of Education ang baguhin ang nasabing pamamaraan.
Ang Viale Trastevere ay hindi nag-atubiling tumugon. Ang Direzione Generale per lo studente, l’Integrazione, la partecipazione e la Comunicazione ay nagpalabas ng abiso ukol sa pagwawasto ng Gabay, at nagtatanggal sa paghingi sa nasabing dokumento. Narito ang abiso:
“A seguito di una rilettura delle Linee Guida per l’accoglienza ed integrazione degli alunni stranieri in data 19 febbraio 2014 si rappresenta la necessità di sostituire il punto 2.2 di pag. 10 relativamente Alla voce “Permesso di soggiorno e documenti anagrafici” con il seguente articolato: “Documenti anagrafici. In mancanza di documenti la scuola iscrive comunque il minore straniero poiché tale situazione non influisce sull’esercizio del diritto all’istruzione”.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]