in

Pfizer-BioNtech, 7 milyong karagdagang doses para sa Italya

bakunang Pfizer-BioNTech Ako Ay Pilipino
Bakunang Pfizer-BioNtech

Isang magandang balita ukol sa pagbabakuna laban Covid19 sa Italya matapos ang anunsyo kahapon ng Europa. Nasa 7 milyong doses ng bakuna laban Covid19 ang darating sa bansa. Ito ay napapaloob sa karagdagang 50 milyong doses ng Pfizer-BioNtech sa Europa.

Ang 6.8 milyong karagdagang doses (670,000 sa Abril, 2.150,000 sa Mayo at 4 na milyon naman sa Hunyo) ay ang syang papalit sa 7 milyong singledose ng Johnson & Johnson, na pansamantalang sinuspinde ng USA.  

Basahin din: Johnson & Johnson, maaantala ang pagdating sa Europa. Suspendido ang pagbabakuna sa USA.

Samakatwid, ay magpapatuloy sa kampanya ng malawakang pagbabakuna sa bansa tulad ng layunin ni Premier Mario Draghi at Commissioner Figliuolo. “Ang vaccination campaign ay magpapatuloy tulad ng inaasahan”, dagdag pa ni Commissioner Figliuolo.

Gagamitin ang bakuna ng Pfizer para sa mga over 60 sa halip ng AstraZeneca at J&J. Ang suspensyon sa J&J ay hindi umano makaka apekto sa national vaccination plan dahil ang J&J ay kumakatawan lamang sa 5% ng kabuuang dosis sa isang linggo.

Kaugnay nito, inanunsyo ng president ng EU Von der Leyen kahapon ang negosasyon sa Pfizer para sa 1.8 bilyong doses ng Pfizer para sa taong 2022-2023.  Ito ay isa ring paghahanda sa higit na paggamit ng Pfizer at Moderna, sakaling ang mga bakuna ng AstraZeneca, J&J at Sputnik ay tuluyang makansela. 

Basahin din: Denmark, tuluyang itinigil ang pagbabakuna ng AstraZeneca

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pauwi ka ba sa Pilipinas? Mag-register sa OASIS

Dual Citizenship, ang mga dapat malaman