in

Email scam: Job offer pina-iimbestigahan ng Embahada sa Roma

altAng mga opisyal sa Roma ay nagbabalà sa mga Ofw sa Italy noong nakaraang Miyerkules laban sa pag-aalok diumano ng trabaho sa Aquila, sa pamamgitan ng isang  email scam.

Ayon sa Philippine Embassy sa Rome ang email address ay projecto_laquila@rome.com at ang office address ay  Via Sicilia 162 / C.

“Walang Committee para sa reconstruction ng  Aquila sa address sa Via Sicilia 162 / C tulad ng binanggit sa email, at ang Ministry of Development Public Works at Housing ay hindi tumutugma sa anumang mga tanggapan ng  Italya,” ayon sa Embahada sa isang pahayag na matatagpuan sa website ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Matatandaang ang Aquila, ay tinamaan ng lindol (6.2-magnitude) noong  Abril 2009, na pumatay ng higit sa 260 residente, halos1,000 ang sugatan at 28,000 mga katao ang nawalan ng tirahan.

Ang programa  diumano ng Ministry of Development, Public Works and Housing Reconstruction of Earthquake Affected Cities Program ay sa pangangalaga ng World Rehabilitation Program (WRP) at Italian Freedom Corps (IFC).

Kabilang sa mga inaalok na trabaho ay ang driver ng trak, operator ng mga makinarya, tubero, karpintero, inhinyero, electricians, manggagawa , mga nars /mga kawani ng klinika, ladrilyo, eksperto, data entry clerk, first aid attendant, makina inhinyero, nagluluto / chefs / stewards, mga interprete at mga legal na tagapayo at marami pang iba.

Isinangguni na diumano ng Phil. Embassy sa Italian Department of Development and Economic Cohesion sa ilalim ng Italy’s Ministry of Economic Development  ang mga pangyayari at kinumpirma din diumano na walang ganitong mga proyekto sa kasalukuyan kahit pa sa Roma.

“Ang kaso ay kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad at kami ay naghihintay ng police report kung saka sakaling may proyekto para sa Aquila ang ibang private sector”, ayon pa sa Embahada.

Samantala, inaanyayahan ang lahat ng Pilipino sa Italya na huwag magbibigay ng anumang importanteng detalye at bayad para sa anumang serbisyo hihingin ng mga ito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gumising , mag-isip at magbago

PINOY FAST FOOD, binabalik-balikan ‘di lamang ng mga Pilipino!