in

PILIPINA: IMBALIDA, DALAWANG TAONG NAGHIHINTAY NG PERMIT TO STAY

FDS / Verdi: Isang liham para sa Prefecture at Ombuds person

altAng imbalido at may edad ng Pilipina na si Estrella Bugaring, ay dalawang taon ng naghihintay ng resulta ng renewal ng kanyang permit to stay at ito ay sanhi ng hindi nya pagkakaroon ng mga partikular na serbisyo. “Isa na namang hadlang sanhi ng burukratikong proseso na nagpapahirap sa mga mas nangangailangan”. (Difensore Civico).

">Ancora una volta, dopo il caso del signor Magdaleno Rabeno, il filippino"> Muli, matapos ang kaso ni G. Magdaleno Rabeno, isang Pilipinong may karamdaman  na muntik ng makatanggap ng order of expulsion dahil sa hindi personal na pagkuha nito sa kanyang ‘nulla osta’ ng permit to stay, ay isang kasong pinalad matapos ang dalawang sentensya ng napakahabang apila upang mapatunayan na sapat na ang kalagayang pisikal upang manatili sa Italya at makatanggap ng pangangilangang medikal sanhi ng karamdaman.

 "Inihayag sa akin kamakailan ng National Italian-Philippine Law at Justice, ang kaso ni Mrs. Estrella Bugaring na mula 2009 ay naghihintay ng tugon sa renewal ng kanyang permit to stay, na isinumite sa tamang paraan  batay sa kasalukuyang alituntunin matapos ang expiration ng una”, mga paghahayag ng Regional Federation Councilor  ng kanan at ng Verdi na si Maurizio Romanelli.

"Si Mrs.  Bugaring, na kinikilalang imbalido ng 80%, ay hindi maaari, hanggang walang isang balidong hawak na permit to stay, ang makatanggap ng mga serbisyo tulad ng murang gamot at murang chech up na dapat ay ipinagkakalob sa kaniyang kalagayan.”.

 "Ang Pilipina ay kumpleto sa mga requirements ng renewal ng permit to stay ngunit tila ang problema ay ang burukratikong proseso ang nagpapatagal ng renewal nito ng dalawang taon na.Ako ay gumagawa ng liham sa Prefeture at Ombudsperson  (Difensore Civico) upang kumilos sa partikular na kaso ng Pilipina gayun din ang mga tanggapan sa pang-kalahatang sitwasyon upang maiwasan ang labis na burukrasya sa mga mamamayan maging may edad man ito o banyaga na nanganganib ng social marginalization na dahil lamang sa mga papeles na dapat pirmahan, ipadala o timbrohan sa tamang panahon”

"Ako ay  umaasa na hind natin dapat harapin ng isa isa ang mga kaso kundi matatangap ang pakikipag tulungan ng lahat upang solusyunan ang suliraning ito na ugat ng maling pagpapatakbo ng serbisyo: ito ay nakakaapekto sa dignidad ng tao, na sapilitang hihingi imbes na tanggapin ang kanyang karapatan mula sa isang sibilisadong lipunan na dapat na sila ay protektahan "- pagtatapos ni Romanelli.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

KARILAGAN SINGERS, NAPILI SA PAGDIRIWANG NG BEATIFICATION NI POPE JOHN PAUL II

Maternity allowance para sa mga colf at care givers