Ang datos ng mga Pilipino na may kabuuang populasyon na 52.453, ang ika-6 na pinakamalaking komunidad sa rehiyon; ika-7 bansa sa pinakamataas na bilang ng mga nagtatrabaho sa rehiyon 23.281, at ika-2 bansa naman sa pinaka-mataas na pinapadalang remittance.
Lodi, Pebrero 13, 2013 – Higit na nakakapag-tiis sa krisis kaysa sa mga Italians. Hindi lamang dahil hindi nawawalan ng trabaho, ngunit dahil na rin hindi tumututol sa kahit anumang uri ng trabaho at sa kabila nito ay malaki ang kontribusyon sa paglago ng bansa at sa pagbabahagi ng yamang ito.
Sa taong 2011, ang mga imigrante na nagta-trabaho sa Lombardy Region ay nakapag-padala ng tinatayang 1.6 billion euros sa kanilang sariling bansa, o ang 21.3% ng kabuuang 7.4 billion remittances na lumabas ng bansang Italya. Ito ay ayon sa Bankitalia, sa huling ulat nito kung saan nasasaad na ang 65.5% ng kabuuang halaga mula sa Lombardy ay nagbubuhat sa lungsod ng Milan, sinundan ng Brescia (9.7%), Bergamo (7%), Varese (4.1%). Ngunit saan naman ang destinasyon ng mga remittances? Nangunguna ang China 27,9%, Pilipinas 11.6%, Romanian 6.8%, Peru 5.8% at Marocco 5%.
Isang tila nakapagtatakang katotohanan. Dahil ang mga Chinese na nagtatrabaho sa Lombardy ay 31,560 lamang, kumpara sa mga Moroccans na 55,303 at ang mga Romanians 102,922. Ang kasagutan ay maaaring ang mga Chinese ay mas malaki ang ipinapadala sa kanilang bansa, habang ang mga Moroccans at Romanians ay dito sa Italya ginagastos. O talagang malaki kumita ang mga Chinese kumpara sa iba pang mga nationalities. O tulad ng hinala ng marami ay nakakalusot sa talaan lamang ang iba.
Samantala, ang datos ng mga Pilipino bilang ika-7 bansa sa pinakamataas na bilang ng mga nagtatrabaho sa rehiyon na tinatayang aabot sa 23.281, ay ika-2 bansa naman sa pinaka-mataas na pinapadalang remittance.
Ang 21.3%, gayunpaman, ay bahagyang mababa kumpara sa bilang ng mga imigrante sa Lombardy region noong 2011,na ayon sa ulat ng Caritas, ang bilang na 1,178,000, na kumakatawan sa 23.5% ng kabuuang bilang ng bansa. Isang impresyon na ang rate of unemployment sa nasabing rehiyon ay tila mas mataas sa mga imigrante, kumpara sa average rate ng bansa.
Ngunit kung ang krisis ay hinahagupit ang mga rehiyong mayayaman ng Italya, ayon sa Ikalawang Taunang Ulat ukol sa labor market ng mga imigrante na inilabas ng Ministry of Labor noong Hulyo 2012, ay ipinapaliwanag kung paano ang mga Italians ay higit na nawawalan ng trabaho kaysa sa mga imigrante. Sa Lombardy region (ulat buhat sa Inail), ang 691.772 employed workers buhat sa ibang nationality noong 2011, ang difference sa pagitan ng nawalan ng trabaho at hindi na-renew ang kontrata at sa mga bagong employed ay 3.596. At hindi lamang ito, kahit na bahagya lamang kumpara sa kabuuang bilang ay patuloy na tumaas ang datos ng mga imigrante na mayroong trabaho, mula 16.1% ng taong 2010 sa 16.3% ng taong 2011
Kabilang sa mga pangunahing sektor ay ang service sector na sumasaklaw sa 60.5%, sumunod ang industriya 34.1%, sinundan ng mabilis na pagtaas ang pangingisda at agrikultura 3%. Ang mga dayuhang negosyante sa rehiyon ay 56,308, o ang 22.6% ng kabuuang datos ng bansa. Nadoble kumpara noong 2005, na may bahagyang pagtaas ng 101.6% kumpara sa mga Italian 113.8%.