in

Pilipino, pinakamalaking popolasyon sa Milan

Tumaas ng 80 % sa 10 taon ang mga dayuhang residente. De Corato, “Ito ay isang katotohanan na magbabago ng ating siyudad”

Patuloy ang paglago ng populasyon ng mga migrante sa Milan. Sa isang survey ng City Hall ay pinakita kung paano unti unting nililisan ng mga Italians ang sentro ng Milan sa mga bagong imigrante.

Ayon pa sa data na ibinigay ng City hall sa loob ng nakaraang 10 taon, ang populasyon ng mga dayuhang residente ay nadagdagan ng 80% (at 64% ng mga imigrante kasalukuyang umuupa ng apartment) habang ang populasyon ng mga Italians ay bumaba naman ng 7%.

Kabilang sa sampung top nationality ay ang mga Pilipino (32,000), sinusundan ng Egyptians (27000), Chinese (18,000), Peruvians (17,000) at Ecuadorians (13,000). Ngunit sa huling taon naging mabilis ang paglago ng Ukraine (15%) at Peru (+ 9%).

Para sa bise alkalde ng Milan, Riccardo De Corato, ang mga bilang na ito ay  handang baguhin ang lungsod ‘Ito ay isang katotohanan na magbabago ng Milan sa paglipas ng panahon, lalo na ang mga Romanians na sa huling sampung taon ay nadagdagan ng 583% mula 1752 sa higit sa 11,000’. 

Pinaalala din ni De Corato na noong 1980, 22000 lamang ang mga dayuhan, na sa kasalukuyan ay numero lamang ng isang komunidad.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

POLO Rome, still waiting for the exemption of Pinoys in Italy from the mandatory insurance

Care givers, ginawan ng regional registration book