in

Pinaghihinalaang bigas na may halong plastic o kemikal, kumpiskado

Kinumpiska ng awtoridad ang daan-daang sakong bigas na pinaghihinalaang may halong plastik o kemikal upang ang mga ito ay dumaan sa laboratory test. 

 

Mayo 16, 2017 – Aabot sa 125 sakong bigas ang kinumpiska ng Nas upang ang mga ito ay dumaan sa mga laboratory test sa Florence. 

Ito ay matapos mag-reklamo ang isang African national ukol sa pagkakaroon ng gastrointestinal problems matapos umanong kumain ng pinaghihinalaang pekeng bigas. 

Sa isang video ng TGR Rai Toscana ay makikita ang ginagawang pagsusuri ng Nas sa central market sa Florence kung saan natagpuan ang limang kilong bigas na pinaghihinalaang may halong plastic o kemikal. 

Sa parehong video ay makikita rin ang isang African na mayroong hawak na bigas sa parehong kamay habang ang mga ito ay inihahambing sa paghahagis ng pareho sa sahig. Ang isa ay mula sa kilalang marka habang sa kabilang kamay naman ay hawak ang pinaghihinalaang synthetic rice na tumalbog sa sahig. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Supreme Court: Mga migrante makibagay sa values ng Western world

100,000 bilang ng aplikasyon sa bonus Mamma domani