in

Pinay, huli sa akto ng pagnanakaw sa Roma

Isa na namang nakakagulat na pangyayari para sa mga Piipino sa Italya, matapos mahuli ang isang colf na Pilipina na 7 taon ng pinagnanakawan ang kanyang pinaglilingkurang matanda. Tinatayang umabot sa 80,000 euro ang nakuha nito mula sa employer.

altRoma – Natuklasan diumano ng Pilipina kung saan itinatago ng kanyang employer, isang 86 anyos mula sa Roma, ang perang kinukuha nito sa bangko bawat linggo. Sa isang ligtas na lugar diumano inilalagay ng matanda ang kanyang salapi, sa loob ng isang mathematics book. Naging patuloy ang pagwi-withdraw ng matanda ng malaking halaga mula 2008 na nagbigay hinala sa isa sa mga anak nito upang tuklasin ang mga pangyayari. Naging normal din ang halagang kinuha ng matanda sa bangko sa mga buwan ng Enero at Pebrero, mga buwan kung saan ang Pilipina ay naka-bakasyon sa Pilipinas.

Isang sabwatan sa pagitan ng mga pulis ng Monteverde at ng isa sa mga anak ng matanda matapos nitong i-report ang mga kahina hinalang ikinikilos ng kanyang ama at ng Pilipina. Nag xerox ang mga pulis ng ilang pirasong perang papel at ito ay inipit sa libro tulad ng ginagawa ng matanda bago pa man dumating ang Pilipina sa bahay ng kanyang pinaglilingkuran. Ang Pilipina ay inabangan ng mga pulis sa labas ng tahanan ng employer nito sa Via Montagna delle Rose sa Monteverde. At tulad ng inaashan, nahuli ang Pilipina ng mga pulis dahil natagpuan ng mga ito ang kinopyang perang papel sa bulsa ng Pilipina. Ito ay agad namang inaresto at natagpuan din sa ilalim ng kama nito sa kanyang tahanan ang 5,000 euros cash na pinaghihinalaang ninakaw rin mula sa matanda.

Ngayon araw ng Lunes ay isang paghahatol ng diretissima (o pagkakahuli sa akto ng pagnanakaw) ang haharapin ng Pilipina.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Rome, celebrated the 113th Anniversary of the Philippine Independence day and the 150th Anniversary of the Birth of Dr. Jose Rizal

Filipinos over half a million Pinoys become citizens of 8 OECD countries