Ayon sa pinakahuling ulat ng Romatoday ngayong hapon, 21 ang bilang ng mga nag-positibo sa Covid-19 ngayong araw sa lungsod ng Roma. May kabuuang bilang na 24 sa buong Lazio region.
Dalawampu’t dalawa (22) sa bilang na ito ay ‘importazione’ o mga kasong mula sa ibang bansa, partikular 20 ay mga Bangladeshi, 1 mula sa Brazil at sa kasamaang palad, 1 mula sa Pilipinas.
Sinimulan na ang international contact tracing ng italian authorities matapos magpositibo ang Pinay, ayon pa sa ulat.
“In provincia di Roma, nella Asl Roma 6 un caso nelle ultime 24h e riguarda una donna rientrata dalle Filippine. Sono state avviate le procedure del contact tracing internazionale.“, ayon sa romatoday.it
Kasalukuyang may 913 positibo sa Lazio region. Samantala, 6557 naman ang mga gumaling na at 844 naman ang mga namatay sa rehiyon.
Matatandaang matapos na magtala ng mabilis na pagtaas sa bilang ng mga nag-positibo sa Covid19, partikular ng mga Bangladeshis na bumalik sa Italya kamakailan, ay sinimulan ng Italya ang paghihigpit at mga pagsusuri sa lahat ng mga dumadating mula sa non-European countries. Pansamantala ring nagsasara ang Italya sa 13 mga bansa dahil sa banta ng covid-19. (PGA)