in

Pinay na nahuling nagnakaw sa Roma, pansamantalang pinalaya!

altDalawang linggo na ang nakakaraan ng mabalitaang isang Pilipina ang nahuling nagnanakaw sa kanyang pinaglilingkurang employer ng halos pitong taon na. Ayon pa sa mga report, ay umabot diumano ng 80,000 euro ang kabuuang nakuha ng Pinay.

Makalipas lamang ang ilang araw mula ng inaresto ang Pilipina ay ginanap ang paglilitis na tinatawag na ‘diretissima’. Ayon sa Philippine Embassy ng Rome, na mabilis namang tumugon sa pangangailangan ng Pilipina, ay hindi kaylan man nasangkot ang Pilipina sa kahit anong krimen sa kanyang pananatili sa Italya na naging dahilan upang pansamantalang palayain ito. Kasalukuyan ngang namumuhay ng normal ang ating kababayan habang masusing sinusuri ang kanyang kaso.  

Samantala, nakatakda sa Abril 2012 ang susunod na paglilitis.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ius soli temperato, para sa ‘Futuro e Libertà per l’Italia’.

CONCERNED CITIZEN DAW!