in

Pinay, nagnakaw ng limang Rolex sa employer

Inamin kaagad ng Filipina ang katotohanan matapos ireport sa pulis ng employer ang pangyayari. Tinatayang nagkakahalaga ng 50,000 euro, ngunit naibenta lamang ng 3,700 euros. Hinabla rin ang nagmamay-ari ng negosyo kung saan ibinenta ang mga relos bilang kasabwat sa krimen.

altRoma, 23 Marso 2012 – Hindi naitago ang ginawang pagnanakaw at agad ay inamin ito sa kanyang employer, ang pagnanakaw ng limang Rolex na nagkakahalaga ng halos 50,000 euro. Ang Filipina, isang colf at may edad na 46, ay kinumpirma maging sa mga pulis ang krimen. Kinasuhan ng pagnanakaw ang Pinay at inamin rin ang pagbebenta ng mga relos sa isang shop sa halagang € 3700 lamang. 

Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas nang ang employer mula sa Bologna, 43 anyos, ay nireport sa pulis ang naging nakawan sa kanyang tahanan sa Strada Maggiore. Ayon sa report ng employer ay walang bakas ng sapilitang pagpasok sa kanyang silid kung saan nakatago ang limang Rolex at dalawang malalaking aso lamang diumano ang nananatili sa tahanan nito. Ikinuwento ng employer sa kanyang Pinay na colf ang ginawang pagre-report sa pulis at ang Pinay ay agad napaiyak sa pag-amin sa katotohanan.

Sa unang pagsusuri ng mga pulis ay hindi natagpuan ang mga relos sa negosyong itinuro ng colf. Ngunti ang naramdamang takot ng nagmamay-ari ng shop, isang Romano at 67 anyos, ay nagbigay hinala sa mga pulis, lalo na nang hubarin ng may-ari ang suot na relos. Dahil sa takot ay inamin ng owner na ang suot nito ay isa sa limang biniling relos sa Pinay; ang tatlo ay nasa kanyang tahanan at ang ikalima ay ibinigay sa kanyang collaborator, buhat rin sa Bologna, 40 anyos.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Kami sa Lega Nord mga rasista dahil hiningi ng pagkakataon”

Alamin ang inyong karapatan!