Ayon sa Philippine Embassy sa Rome kahapon, pinawalang-sala sa kinangsakutang kaso ang isang Pinay na may kinalaman sa pagpapapasok ng ilegal na droga sa Italy .
“The verdict was rendered on May 4 by the judge of the Tribunale di Civitavecchia, on the strength of the evidence presented by the Embassy-provided lawyer. paghahayag pa ng PHL embassy.
“The Filipina continually maintained her innocence throughout the trial, and her statements with the courts were consistent”.
Nadakip ang 59-anyos na Filipina noong Oktubre 4, 2010 sa pagdating nito sa Fiumicino Airport matapos madiskubre ang bitbit nitong 49.50 gramo ng shabu na nakatago sa isang maliit na plastic sachet na nasa loob ng isang portable DVD player na pinakisuyo ng isang kapwa nito overseas Filipino worker sa Rome.
“She was incarcerated at the Civitavecchia prison from the day of her arrest until her trial on 18 October 2010, where she was granted house arrest for medical reasons,” ayon pa sa embahada.
Nagkaloob din umano ng tulong ang Filipino Chaplaincy at naglunsad ng signature campaign. Mahigit 500 lagda ang nalikom sa nasabing kampanya na iprinisinta sa korte.
Isang bukod na liham naman ang nagmula sa konsehal na Pilipino sa Roma, Romulo Salvador bilang pagpapatunay sa magandang pag-uugali ng Pinay.