in

KARILAGAN SINGERS, NAPILI SA PAGDIRIWANG NG BEATIFICATION NI POPE JOHN PAUL II

altRoma – Napakahalaga ng natatanging papel na gagampanan ng Karilagan Singers, isang grupo ng mga Pinoy na mang-aawit sa darating na beatification ni Pope John Paul II sa Mayo 1 sa St. Peter’s Square sa Vatican City sa Roma makaraang mapili itong umawit sa pagbubukas ng programa. Dalawang choir lamang ang piniling magiging parte ng nasabing pagdiriwang, ang mga

Pilipino at ang Polish choir.

Bago ang mismong araw ng beatification ng namayapang Santo Papa ay pinili ng Vicariato ng Roma na umawit sa pagbubukas ng programa sa Abril 30 sa Circo Massimo ang Karilagan choir na nakabase dito sa Roma. Aawitin ng kilala at batikang choir ang 'Aba Ginoong Maria' at 'One more gift' na puspusan din namang ang paghahanda sa nasabing okasyon.

Tatlong araw na ipagdiriwang ang beatification sa tinaguriang ‘pilgrim pope’ na katatampukan ng iba’t ibang akti­bidad na may kaugnayan sa mga kabutihan at milagrong nagawa ng Santo Papa.

Kaugnay nito, puspusan din ang paghahanda ng Sentro Filipino Chaplaincy sa Roma para sa naturang okasyon bilang pasasalamat ng Filipino community sa mga ginawa ng lider ng Simbahang Katoliko para sa sambayanang Filipino at sa buong mundo.

Puspusan din ang paghahanda ng Kapitolyo ng Roma sa dadagsang mga pilgrims at mga turista mula sa iba’t ibang parte ng mundo lalo’t hindi na kakailangan ang mga passes para makadalo sa nasabing okasyon.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga abugado ni Winston, nag appoint ng medical examiner

PILIPINA: IMBALIDA, DALAWANG TAONG NAGHIHINTAY NG PERMIT TO STAY