in

Pinoy crew members, ligtas lahat!

altRome – Ene 16, 2012 – “All 296 Filipino crew members on borad M/V Costa Concordia are safe, accounted for and due for repatriation”, ayon sa report ng Philippine Embassy Rome sa Department of Foreign Affairs ngayong umaga.

Ayon sa Costa Crociere S.p.A., ang kumpanyang nagmamay-ari ng cruise ship ay uumpisahan ang pagpapauwi sa mga miyembro ng crew nito sa Martes Jan 17 kabilang ang 296 mga Filipino. Ang nasabing kumpanya ay nangako rin ng full compensation, refund sa mga gamit na nawala, pagbabalik sa nawalang cash at ang pagbibigay ng liham kung saan nasasaad ang mga commitment ng kumpanya sa mga crew nito.

Ang tatlong Pinoy na unang nireport na sugatan ay kasalukuyan na ring nasa maayos na kalagayan.

altSamantala, ang Embassy Emergency Response Team, na inatasan ni Ambassador Virgilio A. Reyes, Jr ay mabilis na nagtungo, sumaklolo at nagbigay na rin ng mga travel documents sa mga Filipino crew upang mapadali ang kanilang pag-uwi sa bansa. Lahat ng ito ay libreng serbisyong ibinigay ng Embahada ng Pilipinas.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

UIL “Self-certification? Pagpapahaba ng panahon ng releasing ng mga permit to stay”

“Tinulungan kami ng mga Filipino cooks at cleaners”