in

Pinoy, hinatulan ng 30 taong pagkakabilanggo

Pinoy, hinatulan ng 30 taong pagkakabilanggo

30 taong pagkabilanggo ang hatol ng korte kay Billi Jay Sicat sa salang pagpatay kay Mariella Rota, ang may-ari ng tabaccheria, noong July 2019 sa Reggio Calabria. Ang sintensya ay ipinalabas ng Court of Assizes ng Reggio Calabria.

Ayon sa mobile team na nagsagawa ng mga imbestigasyon, ang 45 anyos na Pinoy ay regular na kliyente ng biktima, lulong sa sugal, lotto at slot machine at malaki na ang halagang natatalo dito. Ayon pa sa mga imbestigador, sinisisi ng akusado ang biktima sa malaking perang natalo nito sa sugal na mula sa pagod at hirap ng kanyang asawa. 

Lumabas din sa ginawang imbestigasyon na ang akusado ay nasa katinuan ng pag-iisip (capace di intendere e di volere). Sa katunayan, inamin ni Sicat ang pagpaslang sa biktima matapos arestuhin ng awtoridad. 

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 2.3]

Mga pagbabago sa restriksyon simula June 1 sa mga Rehiyon sa zona gialla

Ano ang limitasyon sa bilang ng tao sa isang table sa mga bar o restaurant?