in

Pinoy, hinatulan ng 8 taong pagkakabilanggo

Shaboo ang nagpayaman sa mag-asawa at ngayo’y sya ring dahilan ng pagkakabilanggo nito sa kasong international drug traficking.

altRome, Hunyo 4, 2012 – Hinatulan ng 8 taong pagkakabilanggo si E.F. sa kasong international drug trafficking, (sa halip ng sampung taon tulad ng hiniling ng tagausig na si pm Luigi Bocciolini) noong nakaraang Mayo 29.

Ayon sa mga report, sa pagitan ng taong 2008 at 2009 si E. F., 50 anyos, kasama ang kanyang maybahay ay umuwi ng Pilipinas upang palaguin ang kanilang ‘business’, ang pagpapadala ng ‘shaboo’ sa pamamagitan ng mga international courier tulad ng Dhl at Fedex. Idine-declare itong pawang mga dokumento na nasa loob ng vacuum pack cellophane balot ng packaging tape na matatagpuan sa pagitan ng mga depliant.

Ang ipinapadalang package mula sa Pilipinas ay may bigat mula 5 hanggang 50 gramo bawat padala. Ang bawat gramo naman nito ay nagkakahalaga mula 500 hanggang 800 euro at  8 hanggang 10 katao naman ang maaaring gumamit.

Ayon pa rin sa mga report, ang mag-asawa ay tila yumaman dahil sa kanilang raket. Nakapagbukas diumano ng ice cream house, isang beauty parlor, spa at sinisimulan naman ang negosyo ng karnihan, gasolinahan at beach resort.

Ito ay hanggang sa natuklasan ng mga aworidad na supplier ng ipinagbabawal na gamot si E. F. sa Firenze at kalapit bayan nito at noong June 15, 2006, sa kanyang pagbalik muli sa Italya ay inaresto ito sa Malpensa at nahulihan ng 464 gramo ng shaboo na ipapasok sa Italya. Ipinagpatuloy ang sentensya sa house arrest makalipas ang limang taong pagkakabilanggo. Isang bagay na hindi sinunod at sa halip ay tumakas pa ang Pinoy ngunit nahuli ito sa Lugano, Switzerland noong July 26. Doon ay nahatulan naman ng 4 na taong sa money laundering dahil sa pagkakaroon ng halos isang mliyong euro sa Swiss account nito. Sa kasalukuyan ang Pinoy ay naka bilanggo sa La Ferara di Lugano.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga kabataang Pinoy, lumahok sa Mille Colori

Naples: Para sa mga imigrante, parehong karapatan tulad sa mga Italians

(more…)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga kabataang Pinoy, lumahok sa Mille Colori

Naples: Para sa mga imigrante, parehong karapatan tulad sa mga Italians