Ito ang naging desisyon ng PM Scandellari pagkatapos mamatay noong Martes dec 22, ang isang hardinerong Pinoy, 43 taong gulang, ng masagasaan ng buldozer. Iniimbistigahan ang driver ng nasabing bulldozer para sa kasong homicide.
Ang construction site ng Fosse Casva, sa labas ng bayan ng Bologna, kahapon, isang Filipinong hardinero na 43 taong gulang ang namatay, isa na namang biktima ng aksidente sa trabaho, ay isinara at kinumpiska para sa malalim na imbestigasyon. Ito ay ayon sa ipinag-utos ng PM Antonella Scandellari. Sinamsam din ang buldoser na nakasagasa sa hardinero na naging dahilan ng kanyang agad na kamatayan.
Sa ganitong mga kaso, sumasa ilalim sa imbestigasyon sa pagpatay ng tao, ang driver na noon ay may dala ng buldoser. Ang biktima, Pablito Balaga, 43, ay nagtatrabaho para sa isang kumpanya sa paghahardin ng Castello d’Argile, sa Bologna. Siya ay kasalukuyang nag tatabas ng bakuran ng mahagip ng buldoser.