Mga Filipino ang pinakamalaking komunidad buhat sa Italya at maging sa volunteers.
Rome, Mayo 17, 2012 – Bago pa man ang pagdating ng Papa, ang VII World Meeting of Families ay ganap ng isang international event: sa kasalukuyan ang mga participants ay magmumula buhat sa 145 countries mula sa iba’t ibang kontinente. Nangunguna ang Spain, France, Croatia at Argentina. Malaking bilang din ng mga imigranteng residente sa Italya ang inaasahang makikiisa. Pinakamalaking bilang ng mga participants buhat sa Italya ay ang mga Filipino, sinundan ng mga Peruvians at ng mga Ecuadorians. International din maging ang mga volunteers ng nasabing pagtitipon: 184 mula sa iba’t ibang bansa (10 mula sa Ecuador, 14 mula sa Kenya, 18 mula sa Brazil, 19 mula sa Slovac Republic at 21 mula sa Spian), 359 naman ang mayroong non Italian passport na naninirahan sa Milan.
Ang pinakamalaking bilang pati ng mga volunteers ng Fondazione Milano Famiglie ay ang mga Filipino, na umaabot sa 255 volunteers. Matatandaang sa Manila ginanap ang IV World Meeting of Families noong 2003 at dito rin manggagaling ang pinakamalaking delegasyon ngayong taon.
Darating din buhat sa 27 bansa ang 104 speakers ng Theological Pastoral Congress, na mayroong 5,000 members mula sa 110 nationalities na mula May 30 hanggang June 3 ang pupuno ng MiCo, convention center ng Fieramilanocity.