“Giu le mani da Masinloc” o Hands off Masinloc !
Rome, Mayo 11, 2012 – Kasabay ng isang kilos-protesta laban sa pag-angkin ng China sa Panatag (Scarborough) Shoal, nanawagan kahapon, Huwebes ang iba’t ibang grupo ng mga Pilipino sa Roma na lisanin na ng China ang lugar at ihinto ang pambu-bully nito sa Pilipinas.
Ayon sa sulat-pahayag, nananawagan ang mga Pinoy sa Roma sa Ambassador of the Republic of China to Italy na maging tulong ito sa pagpaparating ng kontrobersyal na Scarborough Shoal dispute sa competent international court.
“In the spirit of good neighborhood and long history of commercial, economical and diplomatic ties between our countries, we , Filipino migrants in Italy, hereby ask the Chinese government, through its representative here in Italy, to help promote a peaceful and democratic solution of the controversial Scarborough Shoal dispute within the competent international court. It is our profound desire that there must be an immediate stop of any form of intimidations and/or violations of the international laws on territorial waters”.
Kabilang ang simbahan, ang mga konsehal, at mga asosasyon tulad ng Federfil, Task Force OFW, PIDA, Asli, CFMW-ITALIA, Deusfratres Onlus, FWC pati ang local media na pumirma sa nasabing sulat-pahayag. Kabilang namang nakiisa ang Comitato Immigrati in Italia o CII sa pangunguna ni Edgar Galliano mula Ecuador.
Bagaman ang sulat-pahayag, sa kasamaang palad ay hindi nakarating sa kamay ni Ambasador Dong Wei dahil ipinagkait buksan ang mga ito ng gate ng Embahada, sa halip ay nais itong ipaiwan na lamang sa ilalim ng gate, ay piniling ipadala na lamang ang liham sa pamamagitan ng koreo bilang tanda ng higit na rispeto at edukasyon.
Samantala, ayon sa Akbayan, ang nanguna sa kilos-protesta sa Pilipinas, ang tinaguriang “Global Day of Action against China’s bullying in the West Philippine Sea,” ay ang pinakamalaking pagkilos ng mga Pilipino para sa “immediate pull out” ng China sa teritoryo ng Pilipinas na ginanap sa iba’t ibang parte ng mundo. (PG/larawan ni Boyet Abucay)