in

Pito sa bawat sampung dayuhan ay dumadanas ng post traumatic stress disorder

Sa isang sample ng 391 migrante na binisita ng serbisyo ng klinika ng Caritas ng Roma ng mga taong nahihirapang ma-integrate at mga refugees, 73.65% ang iniulat na malubhang nahihirapan sa buhay sa Italya at higit sa 10% ang dumadanas ng isang post traumatic stress disorder.

altRoma, Pebrero 17, 2012 – Ang mga datas na lumabas sa pamamagitan ng pag-aaral ng Caritas sa pakikipagtulungan ng Focal Point na higit sa 7 sa bawat 10 dayuhan na nakatira sa Italya ang nasa malubhang kondisyon. Bukod dito, higit pa sa 10% ang dumadanas ng post traumatic stress disorder, na kinukumpirma na ang konsepto ng pag-aalaga ay isang pangkalahatang konsepto at hindi lamang  para sa pang-terapeutikang operasyon. Sa mga imigrante ay mahalagang pagtuunan ng pansin ang paghihirap mental na maaaring sanhi ng matinding kakulangang materyal nang hindi kakaligtaan  ang pinagmumulan nito at ang kalungkutan ay maaaaring maging sanhi ng isang karamdaman ng parte ng katawan na hindi nakikita.

Ito ay ang mga salita ni Henry Garaci, presidente ng Italian National Institute of Health, sa pagdiriwang ng 11th Conference of Italian National Focal Point – Infectious Diseases and Migrant, sa Pocchiari Hall ng Italian National Institute of Health.

Ayon sa pinaka bagong datas ng Caritas Area Health Data, na ipinirisinta sa ISS sa convention, sa 391 samples ng mga dayuhang binisita ng serbisyo ng medicina generale del poliambulatorio ng Caritas di Roma para mga dayuhan at humihingi ng asylum status, ang 73,65% ay nagpapakita ng matinding paghihirap ng pamumuhay sa Italya at higit sa 10% naman ang dumadanas ng ng post traumatic stress disorder. Bukod dito, sa bawat paghihirap ay mayroong kaakibat na ‘post-migration’ disturbance, ang panganib ng pagkakaroon ng PTSD ay nagdaragdag ng 1.19 beses. ” Ang Post traumatic stress disorder – paliwanag ni Dr. Massimiliano Aragona, isang saykayatrista ng proyekto ng Caritas Invisible Wound – ay nagiging sanhi ng nakaka-alarrmang pagiging emosyonal, na kasama ng mga  karanasang traumatico, ay nahihirapang makapag-concentrate, hindi makatulog, nightmares, ugaling ihiwalay ang kanilang sarili dahil sa takot sa mas maraming karahasan, sakit at iba pang somatic symptoms.  

Ang mga tao na nasa sitwasyong ito ay lubos na nahihirapan sa araw-araw na buhay, hindi makapag-focus at nahihirapang makaunawa at maaaaring nahihirapan din sa trabaho at sa mas malalang kaso, ang lubhang pagkatakot na maaaring maging sanhi ng hindi paglapit sa Questura upang humiling upang kilalanin ang katayuan bilang ‘refugee’  (hal. ang makita ang naka-unipormeng pulis ay nagpapaalala ng karanasan sa sariling bansa). Ito ay malinaw na nagpapakita ng kahinaan ng mga taong ito na dapat protektahan at pagalingin, kung hindi, ay maaaring mahirapan upang ma-integrate sa komunidad”.

Sa ganitong kondisyon ay dapat isaalang-alang ang buhay  post-migration bilang pangunahing dahilan ng trauma na nagpapataas o nagpapalubha ng psychological problems ng mga ito. Ang hirap sa lipunan, trabaho, bahay, access sa mga benepisyo sa kalusugan, diskriminasyon, maging ang pag-aalala para sa mga pamilyang naiwan sa bansang pinanggalingan. Ang convention, inayos ng Research Unit ng psycho-socio behavior, Komunikasyon, Edukasyon, Department of Infective disease ng ISS, ay nagtataguyod ng mga pagaaral ng mga propesyonal, mga kinatawan ng mga institusyon at mga nangangalaga sa kalusugan ng pasyenteng imigrante.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘Tagalog Love Quotes’, inaabangan ng mga Pinoy sa internet

Cancellieri – “Bagong pamamaraan sa mga permit to stay, malapit na”