Naganap sa pagitan ng taong 2003 hanggang 2008. Taong 2009, ang dalagita ay naglayas ng bahay at sinuplong sa awtoridad ang panghahalay ng ama.
Roma, Abril 4, 2012 – Limang taong pananamantala sa sariling anak. Dahil dito ang Korte ay hinatulan ng pitong taong pagkakabilanggo si R.Y., isang Filipino at 41 anyos at residente sa Italya. Ang hukuman ay hinigitan ang hiling na limang taong pagkakabilanggo ng public prosecutor (pm). Tinanggalan din ng paternal authority at magbibigay ng 30,000 euros bilang punitive damages sa dalaga.
Ayon sa mga report, naganap ang panghahalay sa pagitan ng 2003 at 2008. Ang dalaga, na ngayon may edad na 21, dumating sa Roma sa edad na anim na taon (kapiling ang kanyang grandparents sa Pilipinas). Nagsimula ang pananakit sa pamamagitan ng mga salita noong una, hanggang naging pisikal. Mabababaw na dahilan ang sanhi ng pananakit tulad ng di paggawa ng mga home works sa eskwela.
Sa panahon ng pagdadalaga, ang ama ay nagsimulang halayin ang sariling anak. Ang trabaho ng ina sa isang pamilya tuwing gabi ay naging kasabwat ng ama na nagbigay daan upang matulog ng katabi ang anak.
Taong 2009 ng ang dalaga ay naglakas loob na lumayas at magsuplong sa awtoridad sa hindi na matiis na mga pangyayari sa kanyang buhay.