in

PLASTICA BAGS, PAALAM!!

Upang labanan ang polusyon, nagpaalam na ang Italya sa plastic bags para sa pamimili, mula noong Enero 1, 2011, hindi na maaaring gamitin, gawin at ibenta ang mga ito. Ang mga tindahan at supermarket ay dapat na i-dispose ang kanilang stock,at pagkatapos ay  magkaroon ng isang alternatibo tulad ng paggamit ng mga paper o cotton bags, na maaaring gamitin ng ilang beses, pati ang mga supot ay biodegradable rin, mabilis mabulok na hindi nagiging sanhi ng polusyon. Ang mga plastic, bukod sa matagal mabulok, ay nakaka soffocate ng mga isda at ibon na napagkakamalang mga huli at  kapag sinunog ay nagiging mapanganib ang usok.

Natuwa ang mga organisasyon para sa kapaligiran tulad ng WWF, ayon sa kanila, sa Italya ay gumagamit ng 24 billiong plastic bags sa bawat taon. Hindi namn ito ikinatuwa ng mga tagagawa ng mga plastic bags, ayon sa kanila, libo-libo naman ang mga nanganganib mawalan ng trabaho. Ayon sa mga kompanya masyado pang mababa ang produksyon ng mga  ecological bags  upang tugunan ang lahat ng mga pangangailangan, at ito ay magiging sanhi ng pagtaas ng presyo nito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Exam para sa driver’s license, bago na!

Bagong Bayani Awardee Brought Glory and Pride Again to Milan-based Pinoys