in

Pope Francis, ang bagong Santo Padre

Roma – Marso 13, 2013 – Puting usok bandang alas 7:06 mula sa chimney ng Sistine Chapel, hudyat ng pagkakaroon ng bagong Santo Padre. Kasabay ng patuloy na kalembang ng kampana ng St. Peter's Basilica ay sinalubong nang mainit na pagtanggap ng mga manananampalatayang nagtungo sa Vatican, sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ngayong araw na ito, ang bagong Santo Padre na gagabay sa Simbahang Katolika.

“Habemus papam!,”, “We have a pope!”, “Viva il Papa!”, ang maririnig sa libu-libong katao sa Vatican.

 
Ang kardinal ng Argentina, si Jorge Mario Bergoglio, o Pope Francis I, 76 anyos, ang ika-266 na Santo Padre ng Simbahang Katolika, gayun din ang unang non-European na gagabay sa Simbahan.

Suot ang puting abito sa balkon ng S. Peter's Basilica sa harap ng libu-libong mananampalataya ay mababang loob na hiniling ng bagong Santo Padre na Siya ay ipanalangin bago Niya ibigay ang bendisyon sa mga ito. Tanda ng kababang-loob, na isa sa mga katangian ng isang Santo Padre.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Milan’s Benvenuto Club welcomes Philippine Consul General

Pilipina nagpanggap na dentista, arestado