in

Popolasyon ng mga Pilipino sa bawat Rehiyon ng Italya, ayon sa Caritas.

Rome – Ayon sa Dossier ng Caritas na inilabas kamakailan sa Roma, 134.154 (o 2.9%) ang bilang ng mga residenteng Pilipino sa Italya. Kasalukuyang ika-anim na pinaka malaking popolasyon sumunod sa mga bansa ng Romania (968.576), Albania (482.627), Marocco (452.424), Cina (209.934) at Ucraina (200.730).

altSa rehiyon ng Lombardia ay mayroong pinakamaraming Pilipino, 48,368 (o 4,5%), habang sa Lazio ay mayroong 32,126 (5,9%) namang presensiya ng mga Pilipino. 

Samantala, 86.709 (o 2,8%) naman ang itinuturing na bilang ng mga regular na mangagawang Pilipino sa bansa, ang ika-sampu sa listahan, ayon pa rin sa dossier ng Caritas. Mayroong 20.419 (3,6%) ang mga nakatalang manggagawang Pilipino sa Lombardia at sa Lazio ay may naitalang 13.962 (4,7%) mga regular na mangagawa.

Rehiyon

Popolasyon ng Pilipino

Posisyon sa hanay ng 20 bansang naitala

Dami ng manggagawang regular

Posisyon sa hanay ng 20 bansang naitala

ABRUZZO

559 (0,7%)

ika-20

 

 

CALABRIA

2.542 (3,4%)

ika-9

825 (1,5%)

ika-12

 

CAMPANIA

2.999 (1,8%)

ika-11

1.389 (1,3%)

ika-16

 

EMILIA ROMAGNA

12.334 (2,5%)

ika-11

5.739 (1,8%)

ika-15

LAZIO

32.126 (5,9%)

ikalawa

13.962 (4,7%)

ikalawa

LIGURIA

 

 

1.729 (2,5%)

ika-7

 

LOMBARDIA

48.368 (4,5%)

ika-5

20.419 (3,6%)

ika-6

MARCHE

1.377 (0,9%)

ika-19

 

 

PIEMONTE

5.151(1,3%)  

ika-14

2.534 (1,3%)

ika-17

PUGLIA

1.374 (1,4%)  

ika-12

638 (0,9%)

ika-15

SARDEGNA

1.368  (3.6%)

ika-7

602 (2,6)

ika-9

 

SICILIA

4.501 (3.2%)  

ika-9

1.674 (1,8%)

ika-11

 

TOSCANA

11.524(3.2%)  

ika-5

4.797 (2.3%)

ika-7

UMBRIA

1.613(1.6%)   

ika-12

682 (1,4%)

ika-17

VENETO

5.993 (1,2%)

ika-20

 

 

 

Bilang ika-anim na pinaka malaking popolasyon ng mga dayuhan sa bansang Italya, nanatiling mababa pa rin ang bilang ng mgaPilipinong nagkakaroon ng Italian citizenship kumpara sa ilang popolasyon tulad ng Romania 2.929, Albania 5.628, Marocco 6.952, at Ucraina 1.033. Sa taong 2010, mayroon lamang 496 ang naging Italyano at ang 172 nito ay dahil sa pagiging isang kabiyak ng mamamayang Italyano.

Samantala, may naitalang halos 4.194 (ika-siyam na bansa) na mag-aaral na Pilipino sa High School II degree tulad ng Ist. Magistrale (4,4%) , Ist. Professionale (41,7%), Ist. Tecnico (38,3%), Istruz. Artistica (3,9%), Liceo Classico (2,1%), Liceo Linguistico (0,2%) at Liceo Scientifico (9,3%) sa school year 2009-2010.

Nananatiling wala ang mga mag-aaral na Pilipino sa hanay ng mga mag-aaral sa unibersidad o mga nakapagtapos dito sa Italya di tulad ng ilang mga pangunahing bansa na may mataas na popolasyon sa Italya tulad ng Albania,Cina, Romania at Marocco.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Zanonato (Anci): “Ang sinumang ipinanganak sa Italya ay isang Italyano”

Pinoy Monsters, tanda mo pa ba sila???