in

Population decline sa Italya, bumabagal dahil sa mga dayuhan

Ang Italya ay nahaharap sa patuloy na pagbagsak ng populasyon at ito ay ang unang naitala sa huling 90 taon. Ang demographic decline, ayon pa sa paliwanag ng Istat, ay bumabagal lamang dahil umano sa paglobo ng bilang ng mga dayuhan.

Ang populasyon sa bansa ay 60.359.546  noong Jan 1, 2018, mas mababa ng 124.427 kumpara noong 2017. Samantala ang bilang ng mga dayuhan ay tinatayang nasa 5.255.503 at kumakatawan sa 8.7% ng kabuuang populasyon.

Ayon pa sa Istat, sa huling apat na taon, ay naitala ang 638,000 mga New Italians. At ang kawalan ng bilang na ito, ang pagbagsak sa bilang ng mga Italians ay posibleng bumagsak sa 1.3M.

Nagsimula noong 2008, ang pagbagsak ng birthrate ay patuloy sa bansa. Sa katunayan noong 2015, ang birthrate ay bumagsak sa kalahating milyon at noong 2018 ay naitala muli ang negative rate: naitala lamang ang 439.747 sanggol , ang pinakamababang naitala mula pa noong Unità d’Italia.

Ito ay nagtala ng pagbaba ng halos 18,000 kumpara noong 2017 (-4.0%). Ang pagbaba ay naitala sa buong bansa ngunit higit ang naitala sa Sentro (-5,1% kumpara noong nakaraang taon).

Ayon pa rin sa ulat ng Istat, kahit ang mga dayuhang umaalis ng bansang Italya ay bahagya ring bumaba (-0.8%) habang tumaas naman ang bilang ng mga lumalabas na mga Italians sa Italya (+1,9%). Gayunpaman, ang presensya ng halos 50 iba’t-ibang nasyunalidad na may hindi bababa sa 10 libong residente ay isang kumpirmasyon na ang bansa ay isang multiethnic na bansa.

Kaugnay nito, mayroong kabuuang 196 citizenship sa Italya hanggang Dec 31, 2018. Ang limang nangungunang komunidad ay ang 1) Romanians: 1.2 M; 2) Albanians: 441,000; 3) Moroccans: 423,000; 4) Chinese: 300,000; Ukrainians: 239,000. Ang mga nabanggit ay kumakatawan sa 50% ng kabuuang bilang ng mga dayuhang residente.

Sinundan ng mga Filipinos, India, Bangladesh, Moldavians at Egyptians.

Samantala, naitala rin ang pagbaba sa bilang ng mga dayuhang nagkakaroon ng italian citizenship. Ito ay nagsimula noong 2017, matapos ang naging trend nito sa mga naunang taon. Ang mga naging naturalized italians noong 2018 ay umabot sa 113,000, mas mababa ng 23% kumpara noong 2017.

Hanggang Jan 1. 2018, ang mga naturalized Italians ay mayroong bilang na 1.340 million. Kung sa bilang na nabanggit ay idadagdag ang populasyon ng mga dayuhan ay may kabuuang 6.5M ang mga dayuhang residente sa bansa.

Naitala rin ang pagbaba ng bilang ng mga namatay (633,000) mas mababa ng 15,000 noong 2017. “Matatandaang noong 2014, ang pagkamatay ng mga Italians ay maikukumpara sa paglalaho ng isang lungo tulad ng Palermo: 677,000”, ayon pa sa paliwanag ng Istat.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Magbabakasyon ngayong Summer? Silipin muna ang permit to stay!

Narito ang ilang tips sa panahon ng sale o saldi