Ang bagong Portale delle Famiglie ay online sa website ng INPS. Ito ay ang pinag-isang platform ng mga benepisyo ng Inps upang matulungan ang mga magulang sa mas madaling access sa mga ito. Ito ay maaaring gamitin sa mga desktop, smartphone at tablet gamit ang SPID o Carta d’Identità Elettronica (CIE), o Carta Nazionale dei Servizi (CNS).
Sa kasalukuyan, matatagpuan sa Portal ang mga serbisyo tulad ng bonus asilo nido, assegno temporaneo per i figli minori, assegno di natalità (bonus bebè), bonus baby-sitting at centri estivi. Susunod ang iba pang mga serbisyo bilang sa suporta sa mga pamilya, partikular ang Assegno Unico e Universale.
Sa pamamagitan ng Portale delle Famiglie, magkakaroon ng direktang access ang user sa bawat serbisyo mula sa pagsusumite ng aplikasyon. Partikular, ang portal ay nagtatagay din ng ISEE at Libretto Famiglia. Dahil dito ang user ay may posibilidad na gawin direkta ang isang bagong ISEE o konsultahin ito, sa kasong nakapagpagawa na ng ISEE.