in

Posibleng halaga ng Regularization, ang kalkulasyon ng Moressa Foundation

Mula € 2800 sa domestic sector hanggang € 5250 sa lavoratori dipendenti sa isang taon. Ito ang halagang posibeng pumasok sa kaban ng bansa sa bawat dayuhang ire-regular.  

Ito ang kalkulasyong ginawa ng Moressa foundation kung saan isinasaalang-alang ang tax revenue o gettito fiscale (Irpef + addizionali locali), pati na rin ang kontribusyon sa social security. 

Upang makalkula ang tax revenue, ang mga researchers ay isinaalang-alang ang medium-low salary. Ang kontribusyon ng mga colf at caregivers ay kinalkola naman batay sa datos ng Osservatorio Inps sa domestic job, at may 33% rate naman ang ibang workers. 

Mula sa mga kalkulasyon na ito ay lumabas ang “valore” pro capitale mula sa bawat dayuhang ire-regular. Tinatayang aabot sa 500,000 katao ang benepisyaryo ng regularization, ang tax revenue ay maaring umabot mula 1.4 billion sa domestic sector at 2.6 billion sa lavoratori dipendenti kada taon. Sa halagang ito ay hindi kasama ang lumpsum ng kontribusyon na sa nakaraan ay kasama upang makumpleto ang proseso ng regularization ng mga dayuhan. 

Ang kalkulasyon ng Moressa Foundation

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization ng mga domestic workers, may ‘accordo’ na

Iba’t-ibang pa-contest, nagpasaya sa mga Pinoy sa Italya habang lockdown