in

Posibleng pagbabago sa kasalukuyang DPCM, pinag-aaralan

Ako-ay-Pilipino

Pinag-aaralan ang mga karagdagang restriksyon na ipatutupad sa Italya dahil sa patuloy na banta ng Covid19 at ng mga bagong variants nito. Sa katunayan, inaasahan ang posibleng pagbabago sa kasalukuyang DPCM na ipatutupad hanggang April 6, marahil ngayong araw mismo o sa lalong madaling panahon ay magkaroon ng desisyon ang Gobyerno ukol sa mga bagong paghihigpit, sanhi ng banta ng mga bagong variants ng covid19 at muling pagtaas ng positivity rate sa 7.5%. 

Ang gobyerno ay humihingi ng opinyon mula sa mga eksperto, dahil “sa progresibong paglala sa sitwasyon” na marahil ay hahantong sa “pangangailangang magpatupad ng mga karagdagang restriksyon upang mapigilan ang virus“. Nitong nakaraang Biyernes, ang ISS, sa paglalahad ng kanilang weekly report ay muling nagpahayag sa Executive ng pangangailangang magpatupad ng bagong regulasyon sanhi ng “paglawak ng sirkulasyon ng ilang mga variants na higit na nakakahawa“.

Posibleng pagbabago sa kasalukuyang DPCM 

Patuloy na sinusuri at pinag-aaralan ng mga eksperto ng Comitato Tecnico Scientifico o CTS at kasama si bagong Emergency Commissioner Figliuolo, ang pagsasailalim sa buong bansa sa zona rossa, tuwing weekends. Ito ay upang manatili sa kani-kanilang tahanan at tanging ang dahilan lamang ng trabaho, kalusugan at pangangailangan ang may pahintulot makalabas ng bahay tulad ng naganap sa panahon ng Kapaskuhan. Tanging take out at home delivery lamang sa pagbubukas ng mga bars at restaurants, kahit sa zona gialla. Mananatiling bukas lamang ang mga pangunahing commercial activities tulad ng supermarkets, pharmacies, newspaper stands, tobacco shops at iba pa. Marahil ay ipagbawal din ang paglabas ng sariling Comune. Bukod dito ang posibleng pagsasailalim sa lockdown sa mga lugar kung saan nagtatala ng higit sa 250 cases bawat 100,000 residenti. At ang pagkakaroon ng mas maagang curfew, sa halip na simula 10pm.   (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Passport validity extension, may pahintulot na ang mga Philippine Consular Officers

Ako Ay Pilipino

Sputnik, gagawin na rin sa Italya