in

Postacertificat@, makaka-abot nga ba sa mga imigrante???

altMatapos ang mahigit isang taon ng paghihintay, maaaring sa wakas ay makaka-abot na rin sa mga imigrante ang isang e-mail address na sertipikado mula sa estado. Ito ang tinatawag na Postacertificata o registered email upang palitan ang klasikong registered mail at mahabang pila sa mga counter ng Public Administration.

Mula noong nakaraang Abril 2009, upang makakuha ng isang libreng email address, kailangan lamang ang kumonekta sa website ng pamahalaan, ngunit ang mga pamamaraan, ayon sa batas, ay nakalaan lamang para sa mga Italians, kahit pa ang mga dayuhan ay madalas na kumakatok sa mga istasyon ng pulis, sa munisipyo, awtoridad at prefecture, at tapat na mga customer ng mga tanggapan pampublikong.

Sa unang bahagi ng Mayo, ang Ministro ng Public Administration na si Renato Brunetta ay naghayag na ang registered mail ay ibibigay na rin diumano sa mga imigrante. Isang magandang balita?

Hindi ginawa ni Brunetta ang pagbabago sa nakalipas na isang taon matapos umpisahan ang serbisyo. Dahil ito ay isang sagot ng Ministro matapos ang isang akusasyon mula sa isang kabataang Albanian na lumaki sa Italya, para sa isang hindi makatarungang proseso at diskriminasyon. “Ako ay mamagitan sa lalong madaling panahon” pagsisigurado ng Ministro.

Pero hanggang sa ngayon ang Postacertificata ay ibinibigay lamang sa mga Italians.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Karagdagang serbisyo ng mga botika, inumpisahang ipatupad!

Pinay pinawalang-sala sa drug charges sa Italy