Nagsimula na noong March 7, 2019 at magtatagal hanggang July 24, 2019, ang pre-registration sa mga Consulates/Embassies ng Italya sa buong mundo, para sa mga dayuhang nais mag-aaral sa unibersidad sa Italya para sa academic year 2019/2020.
Sa katunayan, tulad taun-taon ay ipinaliwanang ng Ministry of Education, University and Research sa isang Circular ang proseso ng pre-registration, pagpasok at enrollment ng mga dayuhang nais mag-aral sa Higher Education sa bansa. Ito ay maaring sa Unibersidad at sa AFAM o Higher Education for Art, Music and Dance (AFAM) institutions.
Tandaang hindi sakop nito ang mga non-Europeans at Europeans na regular na naninirahan sa Italya dahil sila ay mayroong access sa mga unibersidad sa katulad na kundisyon ng mga Italians.
Ang unang hakbang na dapat gawin upang makapag-aral sa Italya ay alamin ang bilang at kilalanin ang mga unibersidad sa pamamagitan ng itinakdang website:http://www.studiare-in-italia.it/studentistranieri/. Dito ay malalaman din ang mga dokumentaysong kinakailangan sa bawat kurso.
Matapos malaman ang kursong angkop at unibersidad na nais, ay kailangang magsumite ng request of pre-enrollment sa Italian Embassy sa Pilipinas hanggang sa itinakdang deadline nito, July 24, 2019.
Gamit ang Form A, na matatagpuan sa website ng Ministry ay kailangang ilakip ang sumusunod:
- Certified true copy of qualification achieved/or certificate of completion of High School Education duly legalized by the Italian Diplomatic Authorities in the country of reference, the Dichiarazione di valore in loco and with an official translation into Italian;
- Certified true copy of the final academic qualification achieved/or a post-secondary qualification achieved at a non- academic Institution.
Samantala, ang mga Embahada/Konsulado ang magpapadala ng mga pre-registration forms sa mga unibersidad sa Italya at nakatakda ring mag-isyu ng student visa sa mga aplikante hanggang August upang mapahintulutan ang mga mag-aaral na kumuha ng entrance exam ng napiling kurso sa Italya.
Gayunpaman, para magkaroon ng student visa at permit to stay ay kailangang patunayan ng mag-aaral ang pagkakaroon ng mga itinakdang requirements tulad ng:
- Economic resources. Itinakda ang halagang €458 kada buwan o € 5954 kada taon. Ang pagkakaroon ng halagang nabanggit ay kailangang patunayan. Hindi tinatanggap bilang patunay ang bank guaranty o insurance policy, cash o anumang garantiya mula sa third person. Ang aplikasyon sa anumang government scholarship ay hindi tinatanggap bilang patunay;
- Pagkakaroon ng sapat na halaga para sa repatriation. Maaaring patunayan sa pamamagitan ng airline ticket;
- Angkop na tirahan sa bansa;
- Health insurance na kailangang i-prisinta sa pag-aaplay ng permit to stay sa loob ng 8 araw mula sa pagdating sa bansa.
Samantala, sa pagkakaroon ng mga nabanggit na requirements ay hindi exempted ang dayuhan sa italian language exam. Ito ay maaaring gawin bago pa man mag-apply ng student visa upang maging patunay o sa pag-aaplay ng student visa. Ito ay maaaring magpadali rin sa proseso ng aplikasyon ng student visa.
Para tuluyang makapag-enroll sa napiling kurso ay kailangang sumailalim sa entrance exam sa napiling unibersidad. Ang mga petsa sa bawat unibersidad ay matatagpuan din sa nabanggit na website.
Ang mga kinakailangang impormasyon sa enrollment ay matatagpuan sa website ng bawat unibersidad.